Midnight Dream

667 44 2
                                    


"Raize, alalahanin mo na hanggang 11 ka lang pwede magpuyat ha. I will check on you later." nakangiti akong tumango sa kaniya bago niya patayin ang ilaw at isara ang pinto. Humiga ako sa unan at tiningala ang mga bituin.


Nasa ospital ako ngayon. And I've been staying in the hospital for 2 straight years. Why? They are treating my phobia and taking care of my anxiety. Simula noong namatay ang parents ko sa isang car accident ay nagkaroon na ako ng phobia sa oras-oras ng hatinggabi, hanggang alas tres ng madaling araw. Alas dose nang maaksidente ang magulang ko, kasama nila ako noʼn. 12:30 MN nang madala sila sa ospital dahil bata pa ako noʼn, hindi ko alam kung anoʼng gagawin ko, thankful na nga lang ako na may dumaang kotse at dinala kami sa ospital.

Isaʼt kalahating oras ako naghintay noʼn sa labas ng emergency room. Akala ko magiging ayos sila, iyon pala, hindi na. A nurse let me enter the room. Eksaktong alas dos, biglang sinabi ng doktor na wala na silang buhay. And for me? That was the most scariest event in my life that ever happened. After that, lagi na akong nananaginip ng tatlong oras ng ibaʼt-ibang pangyayari.

Nang malaman iyon ng tita ko ay pinag-stay niya ako sa ospital. No'ng una ay hindi ako pumayag at tumakas saka umuwi pero nang sabihin niyang dinadalaw siya ng parents ko sa panaginip niya, ayokong mabuhay siya sa takot dahil sa akin kaya pumayag akong magpagamot and mag-stay sa ospital.

One year ago, Iʼve been suffering with Angst. What the hell is angst? I whispered that to myself. But I did my research and I knew that angst is deeper than anxiety. Mas malala 'yong takot at anxiety na nararamdaman ko. I'm always crying at midnight kapag nagigising ako.

Straight two years, palagi akong nakakatulog ng mahimbing simula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-dos ng madaling araw. Palagi akong nananaginip ng kakaiba na hindi ko naman nararanasan. Hindi rin siya lucid dreaming because I can't control my dream. May isang beses pa nga na namatay ako sa panaginip ko, and my heartbeat stopped for 20 seconds while I am sleeping. Hindi ko alam kung bakit nararanasan ko ang mga ito pero isa lang ang alam ko na nararamdaman ko.

Takot na takot ako.

At iyong aktwal na tatlong oras na 'yon, ay siyang oras ng normal na tulog ko. Hindi na sumosobra pa doon ang tulog ko, at exactly 2:00 in the morning, gising na gising na ang diwa ko at sunod na gabi na ulit ako dadalawin ng pagka-antok.

Back to present, right now, I've been experiencing something in my dreams for 2 days. Hindi ko sinasabi sa nurse o sa doctor dahil ayokong sabihin nila na nababaliw na naman ako.

Nananaginip ako tungkol sa isang lalaki. Hindi ko alam ang kaniyang hitsura at pangalan dahil sa tuwing haharap siya sa'kin at magpapakilala, bigla akong magigising at minsan ay biglang lalabo ang kaniyang imahe sa aking panaginip. Hanggang ngayon ay hindi siya maalis sa aking isipan. Ano kaya ang ipinapahiwatig no'n sa akin?


Isinara ko ang munting siwang sa kisame at hinayaan ang aking sarili na matulog ng mahimbing.


“Sino ka? Bakit ka parating nagpapakita sa mga panaginip ko?” tanong ko sa isang lalaking nakatalikod habang nakaharap ang malinis na karagatan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. “Hayaan mong gabayan kita sa iyong mga panaginip kahit hindi mo ako kilala, binibini.” ang matikas at maanmo niyang pananalita ang nagiging sanhi ng aking pagngiti nang palihim.

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang balikat, sabay sabing, “Oo, Ginoo. Maaari mo akong gabayan. Pero dapat tayo ay may kasunduan,” napahinto siya sa pagsasagwan kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking pagsasalita. “Dalawang linggo, dalawang linggo nating gagabayan ang isaʼt-isa at pagkatapos ng dalawang linggo, ikaw ay magpapakilala.”  narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga, senyales na siya ay nagdadalawang isip pa, pero maya-maya pa ay dahan-dahan siyang tumango, na ibig sabihin ay sumasang-ayon siya.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon