Limang minuto bago magsimula ang klase namin sa Philosophy nang magsimulang magkasagutan si Aya at Sheena—ang dalawang kaklase ko na nag-debate kahapon."Damn you, Sheena! You stole my boyfriend!" Napairap ako nang marinig ang hinaing ni Aya. To be honest, hindi ko rin gusto ang ugali ng isang 'yan dahil feeling niya, prinsesa siya rito.
Ngumisi lang si Sheena, "I told you. Isang sabi ko lang sa kaniya na mahal ko siya, wala ka nang kwenta para sa kaniya. And please, stop being a bitch, you're just trying hard to be a bitch even if you're not." Saka lumabas si Sheena.
Hindi nagpatalo si Aya at sinundan si Sheena. Hay nako, dahil sa debate na 'yon, lumaki lang lalo ang issue nilang dalawa.
Sinigawan ko si Carlos, ang lalaking pinagtatalunan nila.
"Hoy, Carl! Ano? Tanga ka lang r'yan? Sundan mo 'yon!" Napakamot siya ng ulo at napilitang sundan ang dalawa. Tss. Hahayaan niyang may maadik sa kaniyang babae ta's 'pag pinagtalunan siya mag-iinarte.
Bumalik ako sa upuan ko at ipinasak ang earphones sa magkabilang tainga ko. Dumukdok ako sa mesa at hinayaan ang lakas ng volume ng cellphone ko. Sana lang ay hindi ako matawag sa lintik na debateng 'yan, ayokong maibalik 'yong issue noon.
"Okay! Good morning, Villae! Are you ready for today?" Napabuntong-hininga ako nang tumagos pa rin sa tainga ko ang malakas na sigaw ni Sir. Hayst, wala kaming ligtas talaga.
Sabay-sabay na sumigaw ng "oo" ang mga maderpaker kong kaklase. Tinanggal ko ang earphones ko at isinilid iyon sa bag ko at magkunwaring nakikinig kay Sir. Mahirap na, makumpiskahan pa 'ko ng cellphone.
"For today, we're gonna reveal another heartbreaking story again. Our topic is,
Which is the biggest sacrifice? Waiting for someone without assurance or leaving someone because he or she already gave you a sign to leave him/her?"
Natigilan ako nang marinig iyon. Lumibot ang tingin ko sa buong silid at dumapo ang tingin ko sa kaniya.
Damn.
Mukhang, nalaman na kaagad ni Sir ang nangyari sa amin.
It sucks.
"Sir, sino po ang magdedebate?" Tanong ni Lloyd, ang kaibigan niya. Tangina, ba't mo pa tinanong?
Ngumiti si Sir bago magsalita, "Good question, Lloyd. Our contestants for today are, Marian and Art."
Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan ko. Oo, alam kong matatawag kami, pero nakakagulat pa rin. Lowkey ang relasyon namin ni Art dati dahil alam namin na maraming makikialam sa relasyon naming dalawa dahil marami ring nagkakagusto sa kaniya at karamihan sa kaibigan niya ay tutol sa akin.
"Please go here in front, you two." Nagkatinginan kaming dalawa at 'di nagtagal ay umiwas din ako. Ako na ang naunang naglakad patungo sa unahan.
Tiningnan ko siya at halata sa kaniyang mukha na nagdadalawang-isip pa siya. Damn. 'Di pa man nagsisimula, ramdam ko na ang sakit na idinulot ng aming nakaraan.
'Di kalaunan ay naglakad din siya at pumwesto sa kanan. Napangiti si Sir gan'on din ang mga kaklase ko. Pero ang iba'y nagulat, siguro'y nagulat silang may nakaraan kami ni Art.
"Leaving will be yours, Art, then waiting is for Marian. You have 10 minutes to defend your sides. Art, you go first. Timer starts now!"
Pagkapindot pa lang ni Sir ng timer ay agad na siyang nagsalita.
"In my own opinion, mas matimbang ang pagsasakripisyo na paaalisinc mo siya sa buhay mo kung alam mong nasasaktan na siya dahil sa 'yo. Why? Kasi iniligtas mo 'yong mga sarili niyo na mas magkasakitan at mag-pretend na ayos lang kayo. Ikaw ba, kapag naghintay ka? May mangyayaring maganda? 'Di ba parang sinasayang mo lang 'yong oras mo sa taong gusto ka nang umalis sa buhay nila?" Nakatingin lang ako sa kaniya sa mga oras na nagsasalita siya. Nonsense.
"Nah. Waiting will be the biggest sacrifice that you will do in your whole life. Why? Kasi waiting for someone na walang kasiguraduhan is like waiting a plant grow without sunlight. Imagine? Naghihintay ka lang sa isang tao na hindi niya sinasabi kung babalik siya. Sabihin na nating pinapaalis na niya ako sa buhay niya, pero at least ginawa kong maghintay na bumalik siya kasi alam kong mahal pa niya ako. Kasi alam kong sa dulo worth it 'yong paghihintay ko kahit alam kong ikakasakit ko kasi hindi mo ako binigyan ng kahit anong senyales na dapat kong ipagpatuloy 'yong paghihintay ko." Habang sinasabi iyon, hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Bumalik na naman lahat ng ala-ala at sakit na idinulot ng relasyon namin.
"That's why I told you to leave! Kasi nasasaktan ka na sa paghihintay sa akin! I told you to leave me kahit alam kong nasasaktan din ako sa nangyayari. You know that! Wala akong ginusto sa mga nangyari sa atin noon! Me, asking you to leave me, is like asking you to find another man that deserves you more. At sobrang sakit n'on, Marian.."
Pinahid ko ang luhang tumakas mula sa mata ko.
"Hindi gan'on, Art eh. Ang unfair. I'm waiting you because I love you and I want to fight for us pero ano'ng ginawa mo? You told me to leave and pushed me away! I was asking you, why!? Bakit!? Hindi pa ba sapat 'yong ginawa kong paghihintay para paalisin mo ako!? Hindi pa ba Art!?" Pasigaw kong tugon. Naghalo-halo na ang emosyon sa puso ko. Hindi ko na alam kung ano'ng sasabihin ko without hurting him.
"Ginawa kong paalisin ka sa buhay ko dahil 'yon ang tama para hindi ka na masaktan, Marian! Mahirap bang intindihin iyon!?" I know. We're both hurt and frustrated right now. Hindi kami nagkaroon ng maayos na paguusap noon dahil nauna ang pride namin kaysa magkaroon ng proper closure and break-up.
"Hindi! You asked me to leave because you impregnated another girl! I waited for you to explain your side! But you didn't! You just asked me to leave and didn't explain anything to me because you liked it! Gusto mo 'yong nangyari sa inyo! And do not deny it, Art!" Then there it is. Nasigaw ko ang matagal ko nang kinikimkim sa harapan niya.
Natigilan siya kaya napangiti ako ng mapait. Finally, I spilled the tea.
"Marian.." he almost whispered my name because of weakness.
"Now. You know? You think I didn't know? Kaya 'wag mong sabihing mas magandang pagsasakripisyo ang pagpapaalis sa buhay mo ng taong mahal mo, kasi..
Waiting for you without assurance is like millions of knives are stabbing my chest, but I still waited because I trust you. I kept silent because I knew that you would explain. Pero hindi, sabi nga nila, 'wag lagi magexpect kasi masasaktan ka lang. How pathetic that while I'm waiting for you, you're fucking another girl and you made freakin' reasons to ask me to leave you. And please, itatak mo sa utak mo na, hindi mo deserve na makipagdebate sa akin dito.
Kasi in the first place, hindi mo kayang makipaglaban ng patas, at hindi mo rin kayang maging matapang. You're weak, Art."
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?