— Dalawa o tatlo kaming nagsulat nito pero ako nag-edit then gumawa no'ng fourth paragraph hanggang matapos. And nakita ko lang ito sa drafts ko, bahala kayo diyan AHAHAHAHA.
Si Zeus, ang King Of Gods ay kumakatawan sa karahasan at pagdanak ng dugo ng kalaban. Maraming mga alamat at mga kuwento tungkol sa Gods and Goddess na may malaking bahagi sa sinaunang mitolohiya ang King of Gods.
Zeus...
Gusto mo bang makilala bilang isang marahas na mandirigma? Sa palagay mo ba ay magustuhan mo o igagalang? O baka natatakot?Sa sinaunang Gresya, natakot si Zeus. Siya ay kilala bilang King Of Gods ng digmaan, at ang mukha ng maraming marahas na laban. Dahil dito, hindi isang sorpresa na si Zeus ay isa sa mga hindi kilalang mga Gods sa sinaunang Gresya. Sa katunayan, ang mga kuwento ay nagsasabi na hindi siya kagustuhan ng kanyang sariling pamilya o ng iba pang mga diyos. Kawawang lalaki!
Si Zeus ang hari ng digmaan.
Siya ang pinakamalakas na King sa lahat ng Gods at Goddesses dahil may pinag kaiba siya sa kaniyang pamilya, marahil sa 'di siya tanggap subalit pinag laban niya pa din ang kaniyang karapatan para sa kaniyang pamilya para siya ay matanggap ng kaniyang pamilya.Umalis si Zeus at nag puntang bayan ng Pergo at doon niya sinubaybayan kung bakit di siya tanggap ng kaniyang pamilya, at doon niya din ito nakilala ang kaniyang mamahalin na si Hera, ang Goddess of Marriage and Birth, sobrang saya ni Zeus nang makilala niya ito.Umuwi ng bahay si Zeus at lagi niyang naalala ang babaeng nakita niya sa bayan ng Pergo, subalit may humahadlang sa kaniyang isipan na at pumapasok, kung bakit sa sarili niyang pamilya ay di siya tanggap at kinahihiya siya.
Isang araw ng linggo si Zeus ay pinapapunta niya ang lahat ng tao o ang mga iba pang Gods at Goddesses ng kaniyang kaharian at may pinapagawa siya sa kalahatan.
"Kung sino man ang nakakilala ng babaeng ito maaring makatanggap sa akin ng malaking kayamanan, kung siya ay inyong nakita at kilala ninyo, dalhin niyo siya dito."
Dahil sa nagulat ang mga tao sa kaniyang ginawa mas lalong kinagalit ng kaniyang pamilya ito.
Bumalik si Zeus sa bayan ng Pergo at hinahanap hanap ang babaeng ito.
May nakakita sa kaniya na isang mangyan na pagala gala sa Pergo at isinumbong ito kay Hera. Sinabi niya rito na may pagala galang isang God sa kanilang bayan, at hindi alam ni Hera na ang lalaking iyon ay si Zeus, na siya ang huma hanga dito. Biglang lumabas si Hera sa kaniyang kwarto at hinanap si Zeus sa buong bayan. Hindi naman siya nabigo nahanap ito, nakaupo si Zeus sa isang bato habang lumilinga linga sa paligid. Nakatalikod sa kaniya si Zeus kaya hindi siya nakita nito, pero malakas ang pakiramdam ni Zeus kaya't agad nitong kinuha ang kaniyang espada saka humarap kay Hera, pero agad din niya itong ibinaba nang mapagtanto kung sino ito.
Nagulat si Hera sa ginawa ni Zeus pero agad din siyang kumalma at yumukod sa harap nito bilang respeto.
"Magandang hapon, ginoo. May nakapagsabi sa akin na pagala gala ka rito sa aming bayan. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
Natulala si Zeus nang marinig ang maamong boses nito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ganda at kabaitang taglay ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na kaharap lang niya ang babaeng pinapangarap at napapaginipan tuwing gabi.
"M-Magandang hapon, binibini. P-Pasensiya na't nandito ako sa inyong bayan ng walang paalam, ako'y may hinahanap lamang." mautal utal na sagot ni Zeus habang ibinabalik ang kaniyang sandata sa lalagyan nito.
Tumango tango si Hera at isinantabi ang kaunting paghangang naramdaman sa binata. "Ano ba ang iyong pangalan? At sino o ano ang iyong hinahanap? Baka makatulong kami."
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?