Napangiti ako nang ilagay ko sa kahon ang sulat na ginawa ko para sa araw na ito. Kailan kaya niya mababasa ang lahat ng 'to?
Iʼm Courvette. Araw-araw akong gumagawa ng handwritten letters para sa isang tao na sobrang mahal na mahal ko, si Uno. Bakit ako gumagawa ng sulat para sa kanya? Hindi dahil siya ay nasa malayo, hindi rin dahil walang kami, kung hindi dahil siya ay nakaratay sa kama at walang malay. Yes, he is in a hospital, lying there, unconsciously.
One year ago, magkasama kaming dalawa sa isang eroplano. Balak naming pumunta sa Japan one month before our wedding. One hour bago ang arrival namin sa Japan, nagloko ang makina ng eroplanong sinasakyan namin. The pilot did everything to save our lives, pero nag-crash pa rin ito sa isang dagat. Uno covered me to save my life, pero wala, heʼs in comatose now. And all I did in a year is to blame myself, kasi ni isang beses, hindi pa siya nagigising. Ni hindi nga namin alam kung magigising pa siya.
Naramdaman ko ang pagbasa ng aking pisngi. Agad ko itong pinunasan at isinara ang kahon saka ito inilagay sa ilalim ng kama ko. Dumapo ang tingin ko sa malaking picture frame na nakadikit sa pader. This is our engagement picture, 'yong time na hinalikan niya ako pagkatapos ko siyang sagutin ng 'ooʼ. Damn, nakakamiss ka rin pala.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako magbibis. Napag-desisyunan kong isuot ang regalo niya sa akin noʼng birthday ko. It is a white floral tea-length vintage fit and flare dress. It is a bit expensive for me pero maganda talaga eh. Isang beses ko palang ito nasusuot, noʼng kaarawan niya. At hindi ko akalain na susuotin ko ito ngayong huling dalaw ko sa kanya.
Oo, huling dalaw, ayaw na ng magulang niya na makita ako. They are blaming me about what happened. Hiniling pa nga ni Tita na sana ako na lang 'yong nakaratay at nag-aagaw buhay doon. Oo, masakit, dahil botong-boto siya saʼkin pero bigla na lang pala niyang sasabihin sa akin iyon. But Tito promised me that he will contact me kapag nagising na si Uno.
𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢?
Pagkababa ko ay biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Agad kong tinakbo ang hagdan paakyat sa entrance ng ospital at pinagpagan ang damit ko. Ramdam ko rin ang matinding kaba na dumaloy sa dibdib ko. 'Wag naman sana..
Mabilis ang yabag ko paakyat sa kwarto na kinalalagyan ni Uno. Paglabas ko ng elevator ay siyang pag-patay sindi ng ilaw. Damn, no! Please.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa sila. "We will give you five hours only, Courvette. This is the last time that we will see your face here. Do you understand?" tanong ni Tita sa akin. Mabigat man sa dibdib pero tumango ako, para rin saʼyo ito mahal ko, pagkagising mo, nangangako akong makikita mo ako.
Ngumiti ako sa kanila, "Opo tita, huli na ito, pangako." tumango siya at lumabas na ng kwarto. Niyakap naman ako ng kapatid niya pati si Tito saka sila lumabas. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at lumapit kay Uno.
"Uno.. Kailan ka ba kasi gigising ha? Alam mo bang miss na miss na miss ka na namin? Halos dalawang taon ka nang natutulog diyan oh. Hindi ka ba napapagod? Sila Tita, miss ka na rin nila, sobra.. Lalo na ako... Gumising ka na please..." sa huling salitang sinabi ko, bumuhos ang luha ko. Ito na ang huling beses na makikita ko siya, parang naging patay na rin siya kung ngayon na ang huling pagkakataon na makikita ko siya.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko kahit alam kong magpapatuloy ang pagtulo nito, "Alam mo ba... Gumagawa ako ng handwritten letters para paggising mo mababasa mo lahat iyon? Araw-araw kong ginagawa iyon para sa iyo... Doon ko ibinubuhos ang pangungulila ko saʼyo... Akalain mo... Nasa 500 na rin iyon oh... Kailan ka ba kasi gigising? At oo nga pala... Ito na ang huling araw na makikita kita... Dapat..." napasinghap ako. While staring at him? I canʼt tell that I can walk away..
"Dapat sa susunod na pagkita ko sa iyo... Gising ka na ha... Pagkagising mo... Pupuntahan kita kaagad... Ibibigay ko 'yong kahon saʼyo... At gusto ko.. Basahin mo lahat iyon.. Tapos itutuloy na natin 'yong kasal natin kapag magaling ka na ng tuluyan at kapag napatawad na ako ni Tita. Okay?" ngumiti ako kahit alam kong durog na durog na ako. Tangina, gustong-gusto ko na siyang mayakap ulit, makasama, at makitang masigla gaya ng dati.
Ilang oras ko siyang kinuwentuhan, halos ikwento ko na nga sa kanya 'yong laman ng nga sulat ko sa kanya. Hawak-hawak ko ang kamay niya ng mahigpit habang nagsasalita ako. Tiningnan ko ang oras, quarter to 6 na. 6:30 ako aalis, kaya eksaktong 5:50, lumabas ako para bumili ng pagkain. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako lumabas.
Pero ilang minuto ang lumipas, pinagsisihan ko na lumabas ako.
Kumidlat ng malakas na naging dahilan kaya nagbrown out ang buong pasilidad ng ospital. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ni Uno at kasabay ng pagtakbo ko ay ang pagtulo ng luha ko.
Pagpasok ko ay para bang gumuho ang mundo ko. Hindi ko na nakitang bukas ang machine. Wala ng linya, wala ng ilaw. Doon na ako napahagulgol ng todo.
Bakit ko kasi nakalimutan na elektrisidad na lang ang bumubuhay sa katawan niya?
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?