I'm Louisiana Dela Valdez. I have a boyfriend named Callix Buenavente. Galing siya sa isang mayaman at malaking pamilya. We've been together since high school and now, we're already working at the same place! I'm a flight attendant and he's a pilot. This is our dream since we're friends and now, we're glad that we made it.Callix is that type of guy that every girl likes. Wala siyang bisyo, hindi ka niya itotolerate sa masama mong ginagawa, masipag, matalino, understanding, and plus the fact na gwapo siya.
Dito sa Pacific Asia–kung saan kami nagtatrabaho, siya ang laging tinitingnan ng mga babaeng pasahero tuwing maglalakad siya sa airport, kapag ifinifeature siya sa screens, at kapag nagpapakilala siya sa eroplano bago niya paliparin ito.
"Ate Lou! Tama na muna 'yan, tara muna dito, kain muna tayo." Napatigil ako sa pag-aayos ng pagkain nang marinig ko ang boses ni Stephanie, ang pinakabatang flight attendant sa Pacific Asia at ang pinaka-close ko sa lahat.
"Nandoon ba si Cal?" Tanong ko. Kasalukuyan kasi akong nasa eroplano at nag-aayos ng pagkain ng mga pasahero mamaya. May flight kasi kami patungong Seoul mamayang alas-siyete ng gabi.
She nodded so iniwan ko muna ang ginagawa ko at sinara ang pinto. Sumunod ako sa kaniya sa headquarters namin para makakain.
Pagpasok namin ay nakita ko kaagad si Callix na kausap si Kiana, attendant rin siya at kasama namin pero hindi kami gaanong nagkakausap. When Callix saw me, he immediately excused himself then hugged me tightly. Aw, my baby.
"Baby, I'm tired.." he said while still hugging me. I brushed my fingers through his hair then whispered, "We still have three hours, love. Magpahinga ka muna." He nodded kaya iginiya ko siya sa kwarto niya sa hq. May sarili kasing kwarto ang mga piloto at hindi pwedeng magsama ang stewardess at piloto sa iisang kwarto kahit pa may relasyon ang mga ito.
"Louise, hindi ka ba kakain?" Stephanie asked. Umiling ako bago itinuro si Callix nakadukdok pa rin ang mukha sa aking leeg. Tumango siya at sabay sabing, "Dalhan na lang kita r'on. Don't worry, hindi kami magsusumbong. Right, Kiana?" Tumango si Kiana kaya naman ngumiti ako. I trust them.
— • —
Nakaupo lang ako sa tabi ni Callix habang natutulog siya. After 30 minutes gigisingin ko na siya dahil kailangan niyang mag-prepare. 'Di siya pwedeng sumabak sa flight nang bangag siya.
"Lou? Tawag ka ni Captain. May sasabihin daw." Ani Kiana na ikinagulat ako. This would be the first time na kakausapin ako ng Captain namin. Strikto kasi at kinakatakutan ng mga nagtatrabaho sa Pacific Asia. Tumango ako at kinumutan si Callix bago ako pumunta sa opisina ni Captain.
I knocked three times before going inside. I saw his furious face staring at me intently. Wait, what did I do?
"Good afternoon, Captain. What can I do for you?" He sighed then told me to sit in front of him.
Nang makaupo ako ay doon siya nagsalita.
"What did I told you, Miss Dela Valdez? When you're still an intern, I told everyone that strictly NO SLEEPING IN THE PILOT NOR THE CABIN CREW'S ROOM. Pero ano 'yong nabalitaan kong nasa kwarto ka raw ni Mr. Buenavente?" Kaba, takot, at pagkagulat ang naramdaman ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pero alam kong naiinis ako ngayon kina Kiana at Stephanie, sabi nila hindi nila sasabihin? E paanong nakarating kay Captain iyon?
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?