The Girl He Told Me Not To Worry About

2.1K 61 5
                                    




I have a boyfriend. He's Kurt. Halos lahat ng tipo ko isang lalaki nasa kanya. Mabait, maalaga, may respeto, faithful, honest, and sweet. Ilan sa mga katangian niya na minahal ko sa kanya. Masasabi kong almost perfect 'yong relationship namin, hindi dahil puro kami sweetness, para lang kasi kaming mag-tropa, pero mahal na mahal namin 'yong isa't-isa.

22nd monthsary namin, we decided to celebrate it in a bar na pag-aari daw ng kaibigan niya, and she's Courvette. Maganda siya, kulot ang buhok niya, nasa mukha niya ang pagiging mataray, almost perfect na din, kinulang lang sa height.

She greeted Kurt with a wide smile plastered on her face, she even kissed him in his cheeks in front of me. Wow, invisible ba ako at hindi niya nakikitang girlfriend ako ng hinahalikan niya?

When she turned to me, tumaas ang kanang kilay niya. Nawala ang ngiti niya sa labi. Pero nang mapansin niyang nakatingin si Kurt sa kanya, ngumiti siya sa akin pero halatang-halata na plastik ang ibinigay niyang ngiti sa akin. "Good evening, you must be Kyla? Kurt's girlfriend? Well, I'm Courvette. His first love." umangat ang tingin ko kay Kurt. She's his TOTGA?

Hindi siya ngumiti sa akin pabalik so I hugged Courvette lightly. Ewan, simula nang makita ko siya kanina, alam ko sa sarili ko na hindi siya mapagkakatiwalaan. It's obvious, she likes Kurt, she likes my boyfriend. And I can't do anything para mapalayo si Kurt sa kanya dahil alam kong ilang taon silang hindi nagkita.

Sa awa ng Diyos, nakakain kami ng matiwasay nang hindi umaaligid sa amin ang babaeng iyon. I must ask Kurt about that Courvette kapag nakauwi na kami.

-

"Kurt.. Sino ba si Courvette?" I asked, pagkauwi namin. Medyo kinabahan pa ako at nag-hesitate dahil baka pagod siya tapos ilalagay ko sa hotseat.

"You jealous?" hindi ako sumagot. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "There's nothing to worry about. Kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. She's my first love, yes, but you are my true love. Okay? 'Wag ka nang magselos." I smiled. Those words can make my jealousy go away. He's right. There's nothing to be worry about because he loves me so much, and I can feel it.

-

Today is Saturday. It means free time naming dalawa from school. Agad ko siyang tinawag sa kwarto niya para ayaing lumabas. And yes, nakatira kami sa iisang bahay pero magkaibang kwarto. May tiwala naman ang parents namin sa aming dalawa kaya alam nilang walang mangyayaring masama.

I knocked twice pero walang sumasagot. So I decided to open the door and I saw him half naked. May earplugs siya kaya hindi niya siguro ako naririnig. He's in front of his phone while... Talking to someone?

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay at pinakinggan siya.

"Baliw ka talaga, Vette. Oo naman. I'm not lying." then he laughed. Wala rin naman atang silbi kung makikinig ako, hindi ko rin naman maririnig ang sinasabi ng kausap niya na si Courvette pala. Damn.

Napansin niya agad ako at ngumiti sa akin. "Vette, nandito na ang asawa ko, haha. Mamaya na lang. Take care of yourself and don't do any silly things again, understand?" seryoso niyang saad. Napangiti naman siya at binaba na ata ang tawag. Pinalapit niya ako sa kanya at isinandal ang ulo niya sa ulo ko. So I rested my head on his shoulder para hindi siya mahirapan.

"Oh? Bakit wala kang imik, huh? Nagseselos ka 'no?" umiling ako at ngumiti, 'yong ngiting hindi siya magdududa na nagseselos ako. He patted my head then kissed my forehead, "Good girl. I love you. Let's go to mall?" I whispered I love you too then tinanguan ko siya.

-

We held each other hands habang nasa mall kami. Kakatapos lang namin kumain at napag-desisyunan naming manood ng movie. Maganda mood ko, sobra, pero may masamang hangin na biglang dumating.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon