Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa dalawang taong ikinakasal sa aking harapan, nagsusumpaan ng kanilang pagmamahalan sa harapan ng altar, ang masaklap pa doon, lahat ng temang ginamit dito, simula sa kanta, bulaklak, at sa mga suot ng bisita, lahat ‘yon, plano naming dalawa.
Pero anoʼng nakikita ko? Ikinakasal ang first love ko sa kaibigan ko, sa kaibigan ko pa na pinagkatiwalaan ko ng buo. Siya ang naging sandalan ko sa lahat ng oras na malungkot ako at nag-aaway kami ng ex ko, which is Paul, ang taong unang minahal ko at minamahal ko pa rin hanggang ngayon.
Before I leave the country, we promised each other. Nangako kami at nagsumpaan sa harapan ng Diyos na hindi namin iiwanan ang isaʼt-isa, kahit ano pang sabihin nila, hindi namin susukuan ang isaʼt-isa.
Pero pag-uwi ko? Isang imbitasyon ang bumungad saʼkin, isang imbitasyon na hindi ko alam ay sisira ng puso ko.
My boyfriend and my bestfriend are getting married.
At ngayon narito ako sa loob ng simbahan, nasasaksihan ang pag-iisang dibdib nila, na dapat ay kami ng mahal ko ang gumagawa.
Pinunasan ko ang takas na luha mula sa mata ko. Yumuko ako upang punasan ang aking pisngi ng panyo. Umalis na din ako doon at dumiretso sa reception, sa bahay nila ng bestfriend ko, at ang bahay na ‘yon, ay ang bahay na balak baming tirhan matapos kaming ikasal.
Pero hindi kami ang titira doon, kunʼdi sila ng bestfriend ko, masakit, sobra, dala-dala ko pa rin ang sakit sa loob ng anim na buwan. Ayoko, ayoko siyang kalimutan, kahit ayaw ng pamilya ko sa kaniya, hinding-hindi ko ihihinto ang pagmamahal ko sa kaniya.
Pumasok ako sa loob dahil kilala naman ako ng mga tao doon, simula sa drivers, guards, hanggang sa kasambahay, kilala nila ako, kahit alam kong ayaw nila saʼkin, pinapasok pa rin nila ako.
Umupo ako sa sofa. Pinagmasdan ko ang disenyo ng bahay.
How dare he use my designs as the theme of this house?
The walls are still painted in lavender color. We both love this color because for us, it is damn relaxing. Pero how come na hindi niya ito pinapalitan?
Sunod kong tiningnan ang mga frames na nakadikit sa pader at nakalagay sa mesa.
Napaluha ako.
Ito ang mga larawan namin noong mga panahong kami pa, noong mga panahong patago pa kami nagkikita.
Bakit nandito pa ang mga ito? Hindi ba nagagalit si Aella sa kaniya kapag nakikita ang larawan naming dalawa ng taong mahal niya na magkasama?
Nilapitan ko ang isa sa mga maid and then asked her. “Bakit nandito pa ang mga ito? At bakit ganoon na ganoon pa rin ang tema ng bahay? Hindi ba itinapon ang mga gamit namin dito at pinapalitan?” umiling siya na siyang ipinagtaka ko. “Ayaw po ipatanggal ni Sir Paul dahil ala-ala niyo daw po iyan. Iyan lang daw po ang makakapag-paalala sa kaniya na kahit minsan ay naging kaniya ka.”
Tuluyan nang tumakas ang mga luha ko mula sa mga mata ko. Tumakbo ako palabas ng bahay. Hindi ko pa pala kayang i-take ‘yong sakit at ‘yong makaka-harap ko siya. Hindi ko pa pala kaya. Sobrang sakit pa din pala.
Sa pagtakbo ko ay may nabangga ko, tumingala ako upang humingi ng tawad pero agad akong nagsisi na tumingala pa ako.
Itʼs Paul.
Ngumiti ako ng tipid at peke saka naglakad. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay niyakap na niya ako. Doon na bumuhos ang mga luha ko na para sa kaniya. Walang paga-alinlangan niya akong niyakap nang mahigpit. Wala na kaming paki kung sinoʼng makakakita sa amin, ang importante ngayon ay maramdaman ko ang init ng yakap niya.
Pero ilang sandali pa ay lumayo ako sa kaniya dahil biglang dumapo ulit sa isip ko ang mga bagay na nakita ko.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.
“How dare you use our theme song as your wedding song?”
“How dare you use my favorite flowers in your wedding?”
“How dare you make her wear the wedding dress that Iʼve designed for our wedding?”
“How dare you choose our favorite colors as the theme in your wedding?”
“How dare you use my ideas and designs as the theme of the house?”
“How dare you post our pictures together in the walls and tables?”
“And how dare you marry her without breaking up with me?”
Napayuko siya. He kissed my forehead and then hugged me again, tightly.
“Yes, I dare, because in those ways, I will remember our memories together... And I married her because our love was forbidden. But please, always remember that you are the one I love....
My dear cousin...”
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?