Nanay Tatay (Part 2)

1.7K 48 0
                                    



“Kailangan ulit nating laruin iyon, Zan.” saad sa akin ni Justine. Umiling ako, ayoko na. Pwede naman na sila na lang, bakit pati ako kasama?


She deeply sighed, held my hands and looked at my eyes. “Kakausapin na ni Aloha para matapos na ito. Hindi kasi 'to matatapos kung hindi natin tatapusin ang laro.” naguguluhan ako. Ewan ko. Pero at the same time gusto ko na rin naman matapos kasi nahihirapan din ako kapag gabi. Magisa lang ako, wala akong kasama, tuwing alas diez pa ako nagkakaroon ng makakasama sa bahay.


In the end, napilitan akong tumango. Wala akong magagawa eh. Sumali ako sa kanila, kailan kong tapusin kasama sila.


Napag-usapan naming gawin iyon ngayong TVE time namin, subject na kung saan parehas ng oras at lugar kahapon.

Kumpara kahapon, sobrang dami namin ngayon. “'Simulan niyo na.” nagsimula kaming pumikit at naglaro. Hindi namin matapos-tapos dahil sa palaging may dumidilat dahil sa naririnig nila. Kahit ako ay napapadilat na rin.


“Paano tayo matatapos kung palaging may dumidilat sa inyo?” tanong ko. “Wala nang didilat kahit sino ha. Kahit pa may marinig kayo, walang didilat.” dugtong ko pa.


“Tapusin natin kahit hanggang sampu lang, basta walang didilat.” saad ni Rhona. Tumango kami at nang akma na kaming magsisimula, biglang may nagsalita.


“Sasali daw si Aloha.” noong una ay ayaw pa naming pumayag dahil ayaw naming may makita na naman siya. Pero kalaunan ay pumayag din kami.


Pinagitnaan namin siya ni Rhona. Nagsimula na kami nang biglang tumigil si Aloha. “Bakit?” tanong ng iba. Tinuro niya ang espasyo sa kaliwa sa tabi ko, “Nandiyan eh.” kinilabutan ako dahil sa biglang paglamig ng kaliwang parte ko pero nanatili akong tahimik.


“Ituloy na natin para matapos na. Walang hihinto.”

“Teka, hindi makahinga si Justine.” tiningnan namin siya at tama nga, nakahawak siya sa kaniyang kaliwang dibdib at  halata sa kaniyang mukha na hindi siya makahinga ng maayos.


Pinagpahinga namin siya saka pinainom ng tubig bago kami tumuloy sa laro. Bago kami magsimula ulit ay biglang tumayo si Charlene. Hindi ko na siya tinanong, mamaya na lang siguro.


Pumikit kami at nagsimula. Tinapos namin iyon hanggang sampu. Pero hindi pa man natatapos ay gusto ko nang dumilat, parang may papalapit sa akin na kung ano, at isa pa, palakas ng palakas ang naririnig kong sumasabay sa amin, parami ng parami.


Idinilat ko ang mata ko nang matapos. Dumodoble ang paningin ko. Tangina, ano 'yon?


“Sa tabi talaga ni Zandra.” bwisit. Bakit nasa akin?

Ngumiti na lang ako at nagbiro ng kung ano-ano para mawala ang kaba at tensyon. Maya-maya ay nagsalita si Rhona.


“Magdasal na tayo.” pumwesto kami ng pabilog at naghawak-hawak ng kamay. Napansin ko si Charlene na hindi sumama, pero paano iyon, sumali siya ah?

“Bakit hindi ka magdadasal, Cha?”

“Hindi naman ako naniniwala diyan e.” nainis ako, oo. Pero nalilito ako, saan siya hindi naniniwala? Sa dasal? Sa Diyos? O sa nangyayari sa amin habang naglalaro?


Hindi ko na siya pinansin at pumikit habang nagdadasal ng tahimik.

Thank God, tapos na.


Napadilat ako.



Tapos na nga ba o nagsisimula pa lang?

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon