Napabuntong-hininga ako nang matapos na ang napaka-tamlay at malumbay naming klase. Unang asignatura pa lamang pero ramdam na ramdam naming lahat ang kalungkutan. Paano ba namang hindi? Walang nakatawa, walang nakangiti, walang nagiingay at naguusap tungkol sa masasayang ala-ala nila sa buhay, iyon pa naman ang topic namin sa last subject. Pero iniiwasan ng lahat na maging masaya habang nagkukwento, alam niyo iyon? Nakakakonsensya, kasi kasalanan ko.
Pinalis ko ang takas na luha mula sa aking luha. Isinuot ko ang face mask ko at inayos ang gamit ko bago lumabas sa room. Gaya ng nakasanayan ko, pagkatapos ng klase at kapag may vacant ay didiretso ako sa rooftop o ‘di kaya ay sa library.
Wala daw ang next two teachers namin kaya posibleng maaga kaming pauwiin after ng subject namin pagkatapos ng break time.
So let me do a short story telling.
Iʼm sick.
I have an unnamed disease.
Yes, unnamed, dahil walang eksaktong pangalan at gamot sa sakit na ito. Pero may sarili akong tawag dito dahil ayon sa mga doktor, ako lang ang unang tao na nagkaroon ng ganitong karamdaman.
Anti-Happiness Disease. I can't see any person happy. I can't be happy. This sickness is stopping me from being happy and free. And I hate it, so much.
Lalo na sa mga taong malalapit sa akin, dahil sila mismo, pinipigilan ang sarili nilang maging masaya para hindi ako mamatay at hindi lumala ang sakit ko.
Umakyat na ako sa rooftop nang makita kong crowded masyado ang library. Umupo ako sa gilid, malapit sa railings at inilabas ang libro ko saka nagsimulang magbasa. Pero hindi ko pa man nalilipat sa sunod na pahina ay biglang may umupong lalaki sa tabi ko, paano ko nalamang lalaki siya? Dahil sa sapatos.
Tumingala ako at nakita ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Dumaloy ang kaba sa sistema ko, baka mamaya hindi niya alam na bawal ang mga taong masasayahin dito.
“Sino ka?” tanong ko. Instead of answering me first, he extended his hand; symbolizing that he wants to do a handshake—then he spoke. “Iʼm Liam. Transferee. How about you, miss?” akto na siyang ngingiti kaya tinulak ko siya para hindi niya makita iyon. Isinilid ko kaagad ang libro sa bag ko at tumakbo sa pinto para makababa. Pero bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
“Miss, are you okay? I am just asking your name.” ngingiti ulit siya kaya namab pumikit ako at sumigaw,
“Don't fucking smile, idiot!”
—
Matapos iyon ay hindi na ako pumasok pa sa last period namin. Umuwi na ako, cutting classes to be exact. Bwisit, sino ba kasi ang Liam na iyon? Kabisado ko ang mukha ng mga estudyante sa Greencastle dahil Student Council President ako at palagi ko silang binibisita sa kani-kanilang room araw-araw.
Pero sabi noʼng Liam, transferee? Bakit hindi ako inupdate ng Principal about doon?
Bitch, Principal Lee is a happy go lucky person. She won't get to see you, duh.
I sighed. Oo nga pala, Principal Lee is the most happiest person in this school. Hindi naman kasi iyon lumalabas dahil ayaw niyang mawala ang kasiyahan sa kaniya kapag nakita niya ako, dahil kapag nakita niya ako, maaawa siya sa akin at tuloy-tuloy na ang pagiging malungkot niya.
Medyo nakonsensiya din naman ako dahil namura ko si Liam at natawag ko pa siyang hangal. Dapat ko din bang ipaalam sa kaniya kung ano 'yong karamdaman ko? Lalo na kung may naramdaman akong kakaiba sa kaniya?
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?