——"Audrey, gising!"
Napabalikwas ako ng bangon nang makaramdam ako ng may kalakasang tapik sa aking pisngi. Umupo ako habang hawak ko ang aking dibdib dahil hinahabol ko ang hininga ko. Hindi ako makahinga dahil sa panaginip ko na 'yon. Ano bang nangyayari sa 'kin?
Tumingala ako at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng kapatid ko na si Ate Ara. May hawak siyang isang baso ng tubig na agad ko namang ininom.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Ilang gabi ka na kayang ganiyan!" She slightly raised my chin and wiped the sweat that was flowing through my cheeks.
"Simple nightmares, ate. I-I'm okay." My voice was still shaky upon saying that. Hindi naman talaga 'to bangungot para sa 'kin, pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit gabi-gabi ko pa ring napapanaginipan ang lalaking 'yon.
I've been continuously dreaming about this certain guy named Hades in my dreams. It's like we have memories together but I couldn't recognize him, I couldn't even see his face. I simply always dream that he would suddenly appear in front of me as I was looking at images of the two of us together. I would beg him to return, and eventually he would do so. I chased him there while sobbing, and then I'd wake up crying with a hard time getting out of bed. It feels like I'm being tormented every night. I've been like this for two weeks straight already and I don't even know how to stop this.
"Tabi ka sa 'kin, gusto mo ba? Baka mapaano ka pa eh," she worriedly offered at natatakot din naman ako dahil alas tres pa lang ng madaling araw kaya tumango na 'ko.
—
It was already 3 in the afternoon when I woke up. Wala na si Ate Ara sa tabi ko at sa tingin ko ay pumasok na siya sa trabaho niya. Isang saleslady si Ara sa malapit na department store sa tinitirhan naming apartment samantalang ako ay isang nurse sa isang malaking private hospital. Kaming magkapatid na lang ang natira at bumubuhay sa sarili namin at the age of 17 and 15. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral kaya pinagsumikapan niya talagang makapagtapos ako hanggang college para makuha ko ang gusto kong propesyon.
Nagligpit na 'ko ng higaan at naligo. Kumain na rin ako pagkatapos dahil may natira pa palang ulam sa niluto ni ate kanina. Pagkatapos n'on ay pinilit ko na lang nilibang ang sarili ko para maiwaglit sa utak ko ang gabi-gabi kong nararanasan. Hindi pala maganda epekto nitong pagkakaroon ko ng off duties dahil napeperwisyo lang ako sa gabi. Pati si ate naiistorbo ko na.
Nang mabored ako ay naisipan ko na lang na maglinis ng buong bahay. Kapag kasi wala akong pasok ay natetengga talaga ako sa bahay namin dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Wala rin akong kaibigang maaaya na gumala dahil ang kapatid ko lang talaga ang kinalakihan ko ring kaibigan.
Halos 5 hours din ang ginugol ko sa paglilinis dahil dalawang palapag ang inuupahan namin. Actually, three-storey house ito at nagsilbing attic ang third floor. Mahigpit din akong pinagbawalan ni Ate Ara na aakyat doon simula n'ong magsimula ang panaginip ko dahil marumi, maalikabok, at madilim daw r'on. Baka raw mas 'bangungutin' pa ako.
10 pm nang mapagdesisyunan kong matulog. Ipinagluto ko muna ng hapunan si ate dahil madalas talaga late na 'yon nakakauwi. Ewan ko ba r'on, hanggang 10 pm lang naman ang mall pero nakakauwi ng ala-una o kaya alas-dos ng madaling araw.
I prayed before closing my eyes. Hindi na 'ko magugulat pa kung mananaginip uli ako, pero ikinakatakot ko kung magigising pa ba ako o hindi na. I just wish that I would be peacefully sleep this night
——
Umakyat ako sa attic at binuksan ang ilaw. Hinanap kong muli ang kahon na naglalaman ng mga memorya namin na magkasama kami. I discreetly kept it here para hindi makita ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?