—"Sus, nandiyan na naman siya," rinig kong reklamo ng katabi ko nang i-anunsyo ng presidente ng aming klase na Philosophy na ang subject namin.
Medyo nakaka-bother din kasi ang subject namin na 'to. Lagi na lang may nabubunyag na something personal between the debaters. I mean, hindi naman na dapat nalalaman ng buong klase 'yong bagay na 'yon. Na-cecreepyhan na rin ako sa prof namin, like paano niya nalalaman 'yong mga bagay na 'di naman dapat niya alam?
"Hello class! How are you all?" Bati ni Sir sa buong klase. We greeted him back and hinayaan kong daldalin siya ng mga kaklase ko.
Ganiyan, tama 'yan! Ubusin ninyo ang oras, please!
"Oh, tama na nga. Masyado niyo akong nililibang eh. I think you already know the drill kapag papasok ako sa classroom niyo. Tama ba, Villae?" They all agreed and nervousness filled up my system when our eyes met. Shit, mukhang alam ko na 'to.
"For our debaters today, may I call in front Ms. Mharielle and Mr. Lucas?"
I uttered a curse before giving Lucas a cold stare. It's been 8 months and I'm not yet healed. Magkaklase kami pero dahil dinidistansya ko ang sarili ko sa atensyon at mula sa kaniya, hindi ko nararamdaman ang presensya niya kahit magkalapit lang kami. No one knows about us, kahit pamilya namin. Our relationship was very hidden dahil 'yon ang dapat.
Tinatawag na 'ko ng mga kaklase ko kaya wala akong choice kun'di tumayo at maglakad papunta sa harapan. Pasimple kong inirapan ang propesor namin dahil naiinis ako. 'Di pa man nagsisimula ay nanlalata na 'ko dahil nararamdaman ko na naman ang presensya ni Lucas.
"Hala sir, may something sa kanila?" Kuryosong tanong ni Gervee. Isang mahinang tawa ang isinukli ni Sir sa kaniya bago magsalita.
"Aba malay ko, Gervee. Kayo ang magkakaklase 'di ba? I just randomly called their names para may representative kayo ngayon," pagmamaang-maangan niya pa na mas lalo kong ikinabwisit. Malaman-laman ko lang talaga kung paano niya nalalaman lahat ng 'to, papakulong ko siya.
"So ang topic niyo for today ay: First Love Never Dies. Lucas, defend that saying while you, Mharielle, will oppose it," he explained before looking at Lucas, "You may start."
"First love never dies because our first love holds a very special place in our heart that no one could ever replace. Magmamahal man tayo ng iba, hindi sila mapapalitan sa puso natin. Maybe because they were the first one to let us experience what real love feels like."
Natawa ako nang mapakla nang marinig 'yon. That explains why.
"First love never dies BUT true love can bury it. Don't you think it's unfair sa susunod mong mahalin? Mahal na mahal ka n'ong tao, pumasok ka sa isang relasyon, she took the risk for you yet you will say that first love never dies? Ganiyan ba talaga kayong mga lalaki?" Kinuyom ko ang palad ko dahil malapit ko nang mapakawalan ang emosyon na pinipigilan kong ilabas sa harap ng maraming tao, lalo na sa harapan niya.
"Rielle, I—"
"You're unfair, Lucas. Did you just love again after your first love para mapunan 'yong pangungulila mo sa nauna? So, user ka pala?"
"This is a debate, Mharielle. Let me speak before taking your turn," matigas niyang saad, halatang naiinis na sa ipinapakita ko. Well, mamatay siya sa inis.
"As I was saying, you said true love can bury it, but what if 'yong first love din 'yong true love 'di ba? Edi tama lang ako ng dinedefend. First love and true love could be the same person, Rielle." mahinahon niyang sagot.
I could feel the tears heating up my eyes. Those words mean something. Hindi 'yon pang-debate na lang. May laman na ng mga sinasabi niya.
"I-is she 'yong true love?" My voice cracked when I asked him. Tumingala ako para pigilan ang mga luhang gusto na kumawala. No, not in front of everyone, not in front of him.
Natigilan siya sa tanong ko at lumambot ang ekspresyon niya. He took one step forward so I seized a step backward. Ayoko na maging malapit pa siya sa 'kin ulit, kasi alam kong bibigay na naman ako, masasaktan na naman ako.
"I-I loved you, Rielle.."
"Kung siya true love mo, where was I in that 3 year-relationship of us? R-rebound mo ba 'ko, Lucas? Pampalipas oras para makaligtaan mo 'yong first love mo?" sunod-sunod kong tanong.
"M-minahal kita, Rielle. Trust me, y-you're my greatest love. I-it's just.."
"It's just you love her more than you loved me. Sa pagsasama natin, siya ang nakikita mo sa 'kin. That's why we lasted for 3 years, Lucas. You saw her through me. H-hindi mo 'ko minahal bilang ako. M-minahal mo ako kasi nakikita mo ang kakambal ko sa 'kin."
Doon na nagtuloy-tuloy ang luha ko. Ang sakit kapag napapagtanto mo na lahat dahil matagal kang nagbulag-bulagan sa katotohanan. Ang sakit marinig ng mga salitang minahal at loved, kasi past tense na, kasi tapos na.
"T-that's not true..." iling niyang tugon pero 'di sapat ang mga salita niya para makumbinsi ako.
My twin sister is his first love. I've always admired him from afar. Naging kami dahil akala namin namatay ang kakambal ko pero 3 years after she died, she came back. Noong bumalik siya, nagkanda-leche-leche na ang buhay ko. She's everyone's favorite, that's why I lost my friends, my family, and my lover—Lucas.
No, I did not lose him, 'cause he's not even mine to begin with. Hindi siya naging akin.
"Y-you don't have any idea how much I love you. Why does it always have to be Michelle? Bakit siya lagi 'yong minamahal? 'Yong pinapahalagahan? Tangina, naging salamin ako ng sarili kong kapatid. Naging second option ako, Lucas pati sa 'yo. Kapag wala siya, saka lang ako napapansin ng mga nakapaligid sa 'kin.." mahina kong pagrarant sa kaniya, sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig.
"Rielle naman, minahal kita...pero a-alam mo naman kung gaano ko siya minahal bago kita mahalin. S-she's my first, one great, and true love. I-I loved you but that can't compare to my love for her.."
Unti-unting tinatarak ang dibdib ko sa sobrang sakit. Kasabay n'on ang unti-unting pag-usbong ng galit na matagal kong kinimkim dahil mas nangibabaw noon ang pagmamahal na mayroon ako para kay Lucas.
I wiped my tears and forced a smile, "T-that's fine! You can love me again now!" masigla kong mungkahi na naging dahilan para magsalubong ang kilay niya at pagkunot ng noo niya.
"W-what? Engaged na kami ni Mitch, Rielle," naguguluhan niyang sagot. And that's my cue to show him my evil smirk.
Lumapit ako sa kanang tainga niya saka bumulong, "She's gone, Lucas. We can live happily ever after now.."
I could feel that his body become paralyzed for several seconds because of what I just stated. I finally got your attention.
"A-anong wala na siya ang sinasabi mo, Mharielle?" he nervously questioned.
Nilingon ko ang mga kaklase naming nagtataka na sa nangyayari. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago balingan ulit si Lucas. I traced his fine jawline using my thumb before whispering something that will surely break his heart into pieces, just like what he did to mine.
"First love never dies; so I killed your first love since true love can bury it and I'm your true love, Lucas.."
Fear was evident on his face so I laughed devilishly.
If you can't replace his first love with affection, then bury her, just like what the saying said; first love never dies but true love can bury it.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?