PS: FIND THE LOGIC HERE!"Hey, Danna, so, what are your plans?" Binaling ko ang atensyon ko kay Louella na kasalukuyang nagsusulat ng notes niya sa Math. Ibinalik ko ang tingin ko sa board at nagkunwaring hindi siya narinig. I hate it when this is the topic, nawawalan ako ng gana.
Nagsulat na lang ako nang nagsulat ng notes na isinusulat ng secretary namin sa board. Nang matapos naman ako ay nag-doodle na lang ako ng kung ano-ano sa last page ng notebook ko. Tiningnan ko ang katabi ko at sumalubong sa akin ang masama n'yang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay, ano'ng problema ng babaeng 'to?
"Problema mo?" Pataray kong tanong sa kaniya. Inis siyang tumayo at binatukan ako. Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian din niya ng nakakamatay na titig. 'Yong tipong mapapasabi ka na lang na, kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan ka na ngayon.
"Nakakainis ka naman, eh. In two days, you're already 18, Danna Alexandra! But how come that you don't have any plans, huh? You're already in legal age!" Maarte niyang sambit na may pakumpas-kumpas pa ng kamay niya.
Inilingan ko siya. "Not all 18th birthdays are needed to be celebrated. Saka, what's there to celebrate? I'll just turn 18. As if naman may engrandeng mangyayari sa buhay ko after I turn 18. Eh kahit naman hindi pa ako 18, ginagawa ko na 'yong mga ginagawa ng mga nasa legal age na." Mahaba kong paliwanag sa kaniya. Akma sana siyang magsasalita nang pinanlakihan ko siya ng mata. Aangal pa eh.
She acted like she zipped her mouth then returned to her seat. Inabala niya ang sarili niya sa kung ano-anong walang kwentang bagay kaya gan'on na rin ang ginawa ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga litratong kuha n'ong nag-sixteen ako.
Napangiti ako ng mapait, heto 'yong araw na masaya pa ako kapag sumasapit ang kaarawan ko. This was my sweet sixteen birthday party. Actually, ang memorable ng araw na 'to. Walang bumati sa akin, ni isa, even my parents, mga kasambahay. I was sad that day kasi plano ko pa nga itetreat ko ang buong section namin as my birthday treat. Pero wala talagang bumati sa kanila. Nagsimula na akong magtaka n'ong maagang dinismiss ng subject teacher namin 'yong klase niya ng araw na iyon. Lahat sila may pinaguusapang party, hindi nila hinahayaang marinig ko. Then I remembered, Alexia and I has the same birthdate. Alexia Jimenez, half sister ko pero hindi ko siya cinoconsider na kapatid talaga dahil sa attitude niya.
Natuwa na lang ako n'ong nilapitan ako ni Louella, I thought that she will greet me a happy birthday, pero 'yong narinig ko mula sa labi niya?
"Uy, samahan mo ako sa mall, birthday party pala ng kapatid mo ngayon. Invited daw tayo. Bili na rin tayo ng iyo, she told me na isama ka." Wala akong nagawa n'on kun'di magpatinaod. Nagshopping kami, bumili ng damit namin, pero nagtaka ako nang pina-ayusan niya pa ako sa parlor. 'Yong damit rin na napili namin, it was too elegant for a guest sa birthday celebration. Pero wala akong nagawa kun'di sundin siya.
She even blindfolded me. Tinatanong ko siya pero hindi niya ako sinasagot n'on. Hanggang sa, makababa kami. Ginuide niya lang ako sa paglalakad. She counted 1 to 3 then I removed my blindfold. D'on ko narinig ang sigawan ng lahat ng "Happy Birthday, Danna!". Louella explained na surprise raw talaga iyon. Kasabwat ang lahat. Naging masaya ako ng araw na iyon, kasi ayon din sa kaniya, pupunta ang parents ko.
Pero ang kasiyahan na nadama ko n'on, panandalian lang pala, pansamantala lang pala.
Two hours before 12 midnight, may nabalitaan kaming sumira ng buhay ko.
My parents were murdered on their way here.
Walang ma-trace ang mga pulis kung sino ang gumawa ng krimen. I saw their body, ni hindi ko nga alam kung matatawag pa bang katawan 'yon. Hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan nila, nakalabas ang mga internal organs nila. Parang sinadyang ilabas iyon. Napakalinis ng gumawa ng krimen na iyon. Ang nakakahindik pa d'on, may note kaming nakita na nakadikit sa noo ni Mommy. It's a code saying that, "Eighteen" Written using blood. I started having nightmares when it's 12th of the month. Kaya simula n'on, kinalimutan kong may birthday pa ako.
BINABASA MO ANG
One Shots Anthology
Short StoryOne book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different stories. Wanna see the untold stories of mine?