My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 1)

1.3K 53 0
                                    

I am Ashley. I am not a normal person. Why? Because Iʼm sick. Not just a fever, cough, or cold, but a real sickness that can kill me.

I have Xeroderma Pigmentosum. Weird right? Many people thinks that this disease only exists in a movie. Akala ko din eh. But no, since my childhood, I cannot go outside during the day. I can  only go outside at night, limited pa.

Iʼm 6 years old when I am diagnosed with this sickness. Lagi kong sinusunod ang doktor ko na hindi ako pwedeng lumabas ng umaga, because a simple sunlight that will hit my skin will cause a big effect on my brain.

I don't have my parents. I only have my bestfriend at home and my aunt. My bestfriend lives in a normal life, unlike me. Inaalagaan niya ako kahit ayoko dahil ayoko maging pabigat sa kaniya. Paanong hindi niya ako aalagaan? Saksi siya kung paano ko nakitang mamatay ang magulang ko dahil sa pagtatanggol sa akin.


How did they died? Hm, nasa beach kami noʼn, that time hindi ko pa alam that I have XP Sun Disease, Iʼm just 9 years old that time kaya siguro hindi nila sinasabi sa akin.

Night swimming kami noʼn, masaya, kahit nagtataka ako kung bakit gabi kami pumunta doon ay hindi ko na inabala pa. Masaya kaming kumukuha ng litrato nang biglang mag-panic si Mama habang inaalog-alog ang braso ni Papa. Narinig ko pa nga ang sabi niya na, “Pa, we need to get out of here. It is already 4 AM. Baka maabutan si Ash.” nasa malalim kami noon kaya buhat-buhat ako ni Papa. Ayoko namang bumaba dahil natatakot ako sa ilalim ng tubig kapag naapakan ko ang buhangin.

Sumisikat na ang araw, kaya tinakpan ako ni Mama gamit ang katawan niya. Pero napansin ko ang malaking alon na papalapit, para bang magkakaroon ng isang tsunami dahil sa laki ng alon.

“Ma, pa! M-may...” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa takot kaya tinuro ko na lang ito.

Nanlaki ang mata ng magulang ko kaya agad akong inilangoy ni Papa sa pampang at binalutan ng damit, 'yong tipong walang makikita sa balat ko.

Palapit ng palapit ang alon kaya sabi ni Papa kay Tita at sinabing, “Make sure that she is safe. Tell her 'that' when sheʼs already 14.” kahit wala akong naiintindihan noon sa nangyayari ay kusang pumatak ang luha ko.

My father kissed my forehead and whispered, “I love you, darling. We will guide you.” hanggang sa itinakbo na ako ni Tita sa malayo sakay sakay ng kotse pauwi. Nakita ko kung paano binalikan ni Papa si Mama sa dagat pero huli na ang lahat bago pa sila makabalik, dahil inanod sila ng dagat papunta sa malalim.


Doon ko sinimulang kagalitan ang tubig alat. Why it has to be my parents?

Kaya noong sinabi ni Tita sa akin ang sakit ko, inalagaan ko ang sarili ko. Hindi ako lumalabas ng bahay sa umaga, sa gabi naman ay pumupunta ako sa tabing dagat at doon tumutugtog ng violin. Pumupunta ako doon ng alas nueve ng gabi at umuuwi ng alas dos ng madaling araw. Then 'yong kinikita ko doon ay inihuhulog ko sa alkansya ko kasi gusto ko, kapag nakahanap na ng lunas sa sakit ko, magpapa-opera na kaagad ako.



“Ashley! Si Aaron oh!” bumalik ang diwa ko sa reyalidad at tinakbo ang bintana. Nakita ko si Aaron na naglalakad kasama ang mga barkada niya. Damn, so handsome.


Aaron, heʼs my crush since I was 7. I saw him walking with his mom at the seashore before. Kaklase rin siya ng bestfriend ko sa Physics class nila kaya nakakakuha ako ng informations about sa kaniya kahit pa na hindi ko siya nakakausap at kilala.


I smiled when I saw him smiling, is this feeling can still be called crush? Or love?


“Graduation nila ngayon. Do you want to watch?” napatingin ako kay Crisel. Kung graduation nila ngayon, bakit nandito siya?

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon