Hana and Haki

160 14 9
                                    

A long story ahead.

DISCLAIMER: WORK OF FICTION. WALANG KATOTOHANAN, OKAY? THANKS.

——

"Hey, Hana! Pang-ilang task mo na?" Mahinang tanong sa 'kin ni Rori, isa sa mga kaibigan ko rito sa Japan na lumaki sa Pilipinas.



"15th. You?" Habang hinihintay ang kaniyang kasagutan ay tinapos ko muna ang homework ko saka itinago ang notebook sa bag ko. I sighed then looked at the sky.



Sa mundo ngayon, iba na ang kalakaran. Here in Japan, we need to finish 50 tasks in order to know kung ano ang magiging kapalaran mo at kung sino ang makakasama mo sa pang-habang buhay. Kumbaga, malalaman mo kung sino ang soulmate mo.



Sa totoo lang, wala naman akong interes sa soulmate ko. Kaso kailangan ko pa ring gawin ito dahil dito nakasalalay ang hinaharap ko.



"Sabi ng ate, kapag tapos ka na sa 24th task mo, you'll be paired with someone, there's a possibility na siya 'yong soulmate mo pero mas malaki 'yong chance na task partners lang kayo kaya beware not to fall in love sa partner mo. Gaaah! Ang tamad ko kasi, pang-sampu pa lang tuloy ako!" She clearly explained. Medyo nag-hang ang utak ko r'on dahil hindi ko pa alam ang tungk diyan.



My elder brother told me about that, actually, delikado nga eh. Kasi naikwento niya sa 'kin noon na nahulog siya sa task partner niya. Akala niya kasi papalarin siya na iyon ang soulmate niya. It turns out that she's not his lifetime partner. I want to know more about them but he refused to tell me everything, ang ibang impormasyon daw ay dapat na ako mismo ang makaalam. Sa madaling salita, dapat kong paghirapan 'yong mga sagot sa tanong na gusto kong makuha.



"What's your 15th task by the way?" Dagdag niya. I checked my wrist—dito lumalabas ang task namin. Humahapdi ito kapag lilitaw na ang task pero nawawala rin kapag tapos na namin ang designated task saka mapapalitan.



Napaiwas ako ng tingin nang maalala kung gaano kahirap ito para sa akin.



"I-I need to reject Shin.." I honestly told her. Shin is the only man that I like. At first, I completely doesn't have any feelings for him but as the time goes by, nagkafeelings ako sa kaniya. He's been courting me for a year already, bakit naman kasi ininvolve ang personal life dito?



Ang deadline ng task ko ay bukas ng hatinggabi. May isang araw pa 'ko para gawin ang task na ibinigay sa 'kin. I closed my eyes and cleared my thoughts. I'm nervous, wala pa 'kong sinasaktan na kahit sino pagdating sa ganito. It's my first. Isa pa, ang bait-bait ni Shin sa 'kin, maalaga pa. Hindi ko alam kung gaano ako katagal kakainin ng konsensya ko once na nagawa ko na 'yon.



"Kaya mo ba?" I shrugged.



"No...pero kailangang kayanin," I uttered before shifting my gaze at the sky full of stars that are shining like a diamond. Napakaraming bituin sa langit kaya ang sarap tingnan. Mabuti na lamang at open field ang arena malapit sa 'min kaya free ako tumambay.



Maya-maya pa ay umuwi na si Rori. Papagalitan na naman kasi siya ng mama niya kaya kahit ala-siyete pa lang ng gabi ay kailangan na niyang umuwi. Ganoon din ang ginawa ko dahil tuwing alas-otso ay may nagli-libot dito para i-check kung may mga outsider. Every 9 pm lang free dito dahil wala nang nagbabantay.



"Gomen'nasai!" I bit my lower lip because of frustration. Dang, nalaglag ang gamit ko! Jusmeyo naman.



Pinulot ko ang folders na nagkalat sa lapag at mabuti na lamang ay tumulong siya. Akala ko ay hindi pa siya magmamagandang-loob eh.



One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon