Dire-diretso kong binagtas ang daan papunta sa amin. Mabigat ang bawat hakbang ko dahil masama pa ang loob ko kay nanay pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig mula sa ina ni Rita. Pano niya nasabi ang mga bagay na iyon na para bang may alam siya? Ayoko pa sanang umuwi pero wala akong ibang matutuluyan maliban sa masukal na gubat kaya't ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
Nanindig ang aking balahibo dahil sa malakas na hangin at dahil sa manaka-nakang kulog. Tinanaw ko lang ang aming madilim na bahay pagkarating ko sa labas ng bakuran. Malungkot ang aming tahanan at parang wala itong buhay. Tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko sa may kakahuyan. Tiningala ko ang mga bituin sa langit. Sana lang ay umuwi na si Leila para may karamay ako sa bahay.
Marahan kong binuksan ang bakod namin at lumapit sa aming bahay. Nakaunat ang dalawang paa kong umupo sa may lupa. Wala akong ganang pumasok sa loob at pakiramdam ko ay hindi ako welcome sa sarili naming tahanan.
Napaayos ako nang upo nang may mamataan akong flashlight sa may di kalayuan. Agad akong tumayo at nagkubli sa may likurang bahagi nang pumasok ito sa may bakuran. Hindi ko alam pero pero napako yata ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si nanay papasok sa aming bahay at may dalang gown na nakabalot sa malaking plastick. Agad akong napangiti sa sarili hindi ko na pala kailangang manghirap pa.
Unti-unti nang pumapatak ang maliliit na ambon kaya't umalis na ako sa aking pagkakakubli at lumapit sa harapan ng aming bahay ngunit natigil lang nang marinig ang boses ni nanay at tatay.
"Wala ka nang pakialam kung saan ko kinuha ang gown na ito." Narinig kong bigkas ni nanay. Sumilip ako at nakita kong kausap niya si tatay. Dismayado at galit ang mukha nito.
"Ahh, walang pakialam? Kailangan ng panganay mo ng masusuot sa kanyang prom pero hindi mo iniintindi. Pero pagdating diyan sa bunso mo kahit anong paraan ginagawa mo?"
Nakaramdam ako nang pait habang pinapakinggan ang kanilang pagtatalo. Buong akala ko ay para sa akin ang kanyang dala. Unti-unting bumagsak ang aking luha kasabay ng pagbuhos ng ulan. Ang tanga ko para umasang para sa akin iyon pero hindi pala, para pala iyon sa paboritong anak ni nanay.
"Birthday ni Celestine at dapat lang na paghandaan ko siya, kung hindi dahil sa babaeng 'yan ay hindi sana nasunog si Tintin."
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang hikbi. Malakas ang ulan pero pakiramdam ko ay mas mananaig ang aking iyak kapag hindi ko ito pinigilan.
"Nandito na naman tayo sa ganitong usapan. Bakit ba hanggang ngayon kay Charlotte mo pa rin sinisisi ang pangyayari?"
"Sino ba dapat ang sisisihin ko? Ikaw?" patuloy ni nanay at tumango-tango. "Tama ka. Ikaw ang dapat sisihin. Alam nating pareho kung bakit ganito ang pagtrato ko sa batang 'yon, kaya huwag mo akong turuan ko paano ko siya tratuhin."
"Ibabalik pa ba natin ang nakaraan? Matagal na iyon Lia."
"Ang sugat ng nagdaan ay hindi kayang burahin ng panahon gaano man ito katagal."
"Anak mo pa rin si Charlotte! Hindi ko anak si Tintin pero tinuturing ko siyang anak kagaya ng sarili kong laman at dugo. Kagaya kung paano ko mahalin ang sarili kong mga anak."
"Anong gagawin ko Eduardo? Habang buhay ang batang 'yan ay hindi maghihilom ang sugat na ginawa mo sa akin."
Mula rito sa aking pwesto ay nakita ko ang pagkislap ng luha sa pisngi ni nanay.
"Patayin mo na lang siya kung 'yan ang magpapasaya sa'yo!"
Nanginig ang katawan ko dahil sa panghihinga. Tuluyan na akong pasalampak na naupo sa lupa habang nakasandal sa dingding. Dinig na dinig ko ang kanilang sigawan sa kabila ng ingay na dulot ng ulan. Sumikip ang aking dibdib sa mga narinig mula sa kanila.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...