Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Pagkatapos kumain ng tatlo kagabi ay nagsialisan na sila. Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Iminulat ko ang aking mga mata at agad napabalikwas nang makita si Knee Yoz.
"Knee Yoz?" Napatingin ako sa mga gamit namin na inilalagay niya sa maleta. "Anong ginagawa mo?"
"Kailangan niyo munang lumayo ng mga bata." Hindi niya ako tiningnan at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.
Hinila ko siya paharap sa akin at saka itinulak paupo sa kama. Napalunok ako at tumingin sa madilim niyang mga mata.
"Nahihirapan na ako sa pagsasama natin," panimula ko. Umiling ako ng ilang beses at kinagat ang labi. "Hindi ito ang buhay na gusto ko Knee Yoz, alam ko.. hindi tayo kasal pero asawa mo pa rin ako. May mga anak tayo, kailangan kong malaman ang lahat sa'yo."
"Hindi mo kailangang malaman ang lahat sa akin,"
Napaawang ang labi ko dahil sa sagot niya. Seryoso ba siya? Wala talaga siyang balak na sabihin sa akin ang lahat. Tumango-tango ako, nasasaktan sa pagtrato niya sa akin.
"Siguro nga ay mali ang desisyong nagawa ko. Siguro kung hindi ako nagpadalos-dalos ng desiyon noon baka payapa ang aking puso't isipan sa araw-araw,"
"Cha, para sa mga anak mo ang ginagawa ko."
"Mga anak mo? mo?" ulit ko sa kanya. Hinugot niya ang hininga saka umiwas ng tingin sa akin. Mukhang nahihirapan na rin naman siyang magpaliwanag sa akin.
"Umuwi muna kayo sa probinsiya ng mga bata."
Mapakla akong tumawa at saka galit na tumingin sa kanya. "Paano ako nakakasisigurong hindi mo kami aabandunahin ng mga bata? Hindi ko maintindihan ang mga kilos mo, hindi kita kilala. Minsan mahinahon ka sa akin, minsan bayolente ka. Ano ba talaga? Wala na akong uuwian sa probinsiya dahil itinakwil na ako ng mga magulang ko." Nanginig na ang aking boses dahil sa hinanakit. "Kung hindi mo kami kayang panindigan ng mga bata tatanggapin ko. Kung hindi mo kayang magpaliwanag sa akin tatanggapin ko, pero sana noong una pa lang Knee Yoz hindi mo ako ginawang asawa... O asawa ba talaga ang turing mo sa akin? Ni minsan ay hindi ko narinig na sinabi mo sa aking mahal mo ako!" Nabigla siya sa aking sigaw.
Bumukas ang pintuan at dumungaw si Grace.
"Ate.." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa nakita.
Tumango ako. "Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo. Uuwi kami sa probinisya ng mga bata. Hindi na rin ako aasang may babalikan pa. Iisipin kong hiwalay na tayo."
Tumulo ang aking luha. Pinunasan ko ito at ipinagpatuloy na ang kanyang ginawa. Kinalkal ko ang lahat naming gamit at isinilid sa bag. Sobrang sikip ng dibdib ko na halos himatayin ako. Marami nang nangyari ngunit ni isa ay hindi malinaw. Wala akong nakuhang sagot at ngayon ay wala akong magawa kundi takasan na naman ang problemang ito.
"Mads.. padalos-dalos naman yata ang desisyon ni Knee Yoz,"
Pagkatapos kong ikwento kay Denise ang nangyari ay pumunta siya rito para ihatid kami sa airport. Buhat-buhat niya ang iba naming gamit at inilagay ito sa trunk ng kanyang sasakyan.
"Tama lang siguro ito Denise, wala akong kasiguraduhan dito. Araw-araw ay nababagabag ako sa maaring mangyari. Hindi ko alam baka isang araw bigla na lang akong mamatay o ang mga bata."
Pumasok na ako sa loob ng kanyang sasakyan. Hawak niya ang manibela at malungkot na tumingin sa akin. Alam niyang kapag nagdesisyon ako ay hindi na niya ako mapipigilan.
"Alalahanin mo nandito lang ako. Bumalik ka man o hindi nandito pa rin ako," malungkot akong tumango sa kanya. "Mamimiss ko ang mga bata,"
Malungkot akong ngumiti. Hindi ko alam kung makakabalik pa kami rito. Hindi ko alam kung may babalikan pa akong pamilya.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...