"Andra?" wala sa sariling sambit ko "Andra?" Ulit ko nang humiwalay siya sa akin. Nakangiti siya samantalang ako ay gulat na gulat.
Parang kahapon lang na karamay ko siya sa lahat ng mga hinanakit ko sa aking pamilya. Sa kabila ng pagsasama namin ay wala akong hinangad kundi ang mas maging higit ako sa kanya. Lumipas ang taon at heto kami't magkaharap sa isa't isa. Halos tumigil ang mundo ko habang pinagmamasdan ko siya.
"Kumusta ka na?" tanong niya, hindi pa rin nawawala ang tuwa sa kanya.
"Heto, buhay pa naman," mapakla pa akong tumawa samantalang naging seryoso naman ang kanyang mukha "Ikaw? Nandito ka pala sa Maynila."
"Oo. Pagkagraduate ko ng college ay dito ako pinag-aral ni mama at papa, I'm an intern Psychologist here." May pagmamalaking sambit niya at kita ko pa ang kislap sa kanyang mga mata.
May kumurot sa king puso. Kita sa kanyang kabuuan na mukhang maganda na ang kanyang buhay ngayon samantalalang ako ay nanatiling si Charlotte na isang duwag. Sa mga mata ng tao ay isa akong duwag na tinalikuran ang kahihiyang aking nagawa. Iniwas ko ang aking paningin.
Malapit na siyang maging Doctor samantalang ako ay heto at patuloy na nakikipaglaban sa mapait na kapalaran ko. Nakaramdam ako ng pait sa aking buong pagkatao.
"Ate.." hindi ko na nasagot pa si Andra ng dumating si Grace na humabol pala sa akin. "Nandun daw si ate Denise," bigla akong nabuhayan nang marinig ang pangalan ng aking kaibigan. Pakiramdam ko ay kailangan ko siya ngayon.
Lumingon ako kay Andra na naguguluhan, gustuhin ko mang makipag-usap sa kanya pero kailangan ko nang umalis. "Andra pasensiya ka na, nagmamadali ako. Sa susunod na lang tayo mag-usap"
Tumango lang siya sa akin at nag-aalangang ngumiti. Hindi na ako nagsalita pa at nagmamadaling lumabas at sumakay ng taxi.
"Arby? Arby?" tawag ko nang makababa sa taxi. Pagkarating ko sa may pintuan ay bumukas ito at bumungad sa akin si Denise hawak ang aking anak na agad umiyak nang makita ako kaya dali-dali ko itong kinuha sa kanya.
"Denise?" humagulhol ako sa iyak at mahigpit na yumakap sa kanya.
Hindi ko alam pero bigla akong nabunutan ng tinik nang makita si Denise. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan ko pero nang makita ko si Andra ay para akong sinakluban ng langit at lupa. Para bang sinampal ako ng mapait na katotohanan na ganito lang ang aking narating. Akala ko ay mag-isa na naman akong makikibaka na harapin ang aking problema. Laking pasasalamat ko na nakapunta pa siya dito.
"Cha?"Nagtatakang sambit niya sa aking pangalan matapos siyang humiwalay sa aking yakap.
"Sinabihan ako nina Grace tungkol sa nangyari kaya pumunta ako dito. Nag-aalala ako sa'yo, sa inyo ni Arby," malungkot akong ngumiti sa kanya. Nakaupo na kami ngayon sa sala at karga ko pa rin ang aking anak na kumalma na.
"Nag-aalala rin ako sa'yo, hindi ba ay pinagbawalan ka na ng mga magulang mo na pumunta rito?"
"Nakiusap ako sa kanila kaya okay na kami." Kumunot ang noo ko sa kanya.
Pumayag ang mga magulang niya ng ganun kabilis? Hindi ko alam pero parang may hindi sinasabi si Denise sa akin.
"Siyanga pala nasaan si Knee Yoz?" muli na naman akong nilukob ng lungkot at pag-aalala dahil sa kanyang tanong.
"Hindi ko alam," umiling ako sa kanya. "Pagkatapos ng nangyari kagabi ay bigla na lang daw siyang tumakbo pagdating ng mga pulis"
"Sino yung mga lumusob sa inyo kagabi?"
"Isa rin iyon sa ipinagtataka ko. May mga kaaway ba si Knee Yoz?" tanong ko rin sa kanya.
Walang makasagot sa aming dalawa ng tamang sagot. Kapwa kami walang muwang sa mga pangyayari at tanging si Edward at Knee Yoz lang ang nakakaalam ng totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/261477174-288-k799771.jpg)
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...