"Theme song mo ba sa'kin 'yang kanta ni Dan Hill?" tanong ko sa kanya.
Narinig ko ang kanyang pagsinghot sa kabila nang malakas niyang halakhak. Narinig ko ang tili ni Denise at Grace na nakatingin sa gilid. Pagkabukas ng ilaw ay nakita ko rin ang anak ko na parang kinikilig din.
May ngiti sa labi ko nang bumaling ako ulit sa kanya, sa aking asawa. Sa wakas ay matatawag ko na siyang akin na walang pag-aalinlangan. Ito na yung dream come true ko.
"Hindi ba obvious?" napailing na lang ako sa kanya.
Hayys. Hindi na naman niya ako binigo ngayong araw. Busog na busog na naman po ang puso ko dahil sa kanya.
"Ayan mads ahh.. magiging legal ka na," panunukso ni Denise sa gitna ng aming pagkain.
Inirapan ko lang siya. Natuwa rin naman ako sa pakulo nila para lang masorpresa ako.
"Ikaw lang mag-isang nakatira dito mads?" Tanong ko kay Denise. Ipinagtaka ko ang tinginan nila sa isa't isa.
Napatingin ako kay Knee Yoz na tumikhim sa aking tabi. "Ano kasi, dito na tayo titira para wala na tayong iisipin pagkatapos ng kasal," dahil sa gulat ay napaubo ako. Hindi pa pala tapos ang sorpresa.
Hirap akong kumalma mula sa pag-ubo. Pumasok pa yata ang kanin sa aking ilong. Agaran akong hinagod ni Knee Yoz sa likod at inabutan ni Denise ng tubig.
"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang makasiguro na ligtas kayo. Lalo na at buntis ka," malumanay niyang sagot
"Pero Knee Yoz, saan tayo kukuha ng pambayad?"
"Wag mo nang alalahanin 'yon," halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
Inikot ko ang paningin sa loob ng silid. Paano niya nabili ang silid na ito? Kelan pa?
"Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa'yo"
Wala na rin naman akong nagawa. Hindi ako galit, sadyang hindi lang ako makapaniwala na magagawa niya ang bagay na ito. Ang bigyan ako ng magandang tirahan at ng kasal ay isang malaking bagay na sa buhay ko na minsan ay hindi ko hiniling ngunit ngayon ay kusa niyang ibinibigay sa akin.
"Congrats mads.." bati ni Denise sa akin matapos kaming maghapunan. May lungkot sa kanyang mga mata at alam ko kung ano ang dahilan niyon.
"Salamat mads.." tugon ko.
Naisip ko rin na tama lang na hindi ko tinanong sa asawa ko ang tungkol sa pagpapakasal at tama lang ang naging desisyon ko na maghintay.
"Pasensiya ka na pala sa mga nasabi ko kay Knee Yoz dati, nadala lang ako sa nangyari kay Edward... lagi silang magkasama kaya't naisip ko na parehas sila ng kapritso"
"Naisip ko rin iyon, pero ngayon napatunayan na natin na mali ang mga hinala natin."
Sandaling katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Madilim na sa labas at nasa kwarto na si Knee Yoz at Arby. Si Grace naman ay nasa kusina pa at nagliligpit.
"Hindi mo ba nadalaw si Edward?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa bintana at mukhang may malalim na iniisip.
"Baka nga hindi talaga kami pwede ni Edward," kumunot ang noo ko nang bumaling siya sa akin. Namumula ang kanyang mga mata na parang anumang oras ay babagsak na ang kanyang luha.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko, naguguluhan sa mga reaksiyon niya.
"Hindi ako nakadalaw sa kanya simula noong makulong siya..." saglit siyang tumigil at tumingala. Ilang beses na kumurap-kurap para pigilan ang luha "Mahal ko si Edward pero anong gagawin ko? Ayoko siyang mapahamak."
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomansaCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...