Kabanata 11

77 5 4
                                    


Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin.

"Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," seryoso kong saad at nauna nang lumabas.

Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin.

"Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.

Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Mabuti na lang at may baon akong hotdog.

Malalaki ang ginawa kong pagsubo nang pumasok si Sander. Bahagya akong nabulunan kaya't tiniis ko lang ang sakit ng lalamunan.

"Gutom ka na talaga at hindi mo kami hinintay?"

Tuloy-tuloy lang ako sa pagsubo nang umupo siya sa aking tabi at nilabas na rin ang kanyang baon. Natigilan ako nang nilagyan niya nang gulay ang aking kanin.

Napakasweet pa rin niya sa akin pero alam ko na ngayon na pakitang tao lang lahat ng ito. Hindi ko siya tiningnan at tumuloy lang sa pagkain.

"Dahan-dahan lang mabulunan ka," sawa'y niya sa akin pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya.

Nakikita ko sa gilid ng aking paningin na nakamasid lang siya sa akin. Bigla niyang hinuli ang aking braso kaya't natigil sa ere ang aking isusubong pagkain.

"Hoy, anong problema?" tanong niya at hinarap ako sa kanya "Sabihin mo sa akin kung anong problema,"

Sikreto akong tumawa. Ang galing niya talagang umarte.

Binawi ko ang braso ko sa kanya at muling sumubo "Kumain ka na diyan wag mo akong pansinin,"

"Pa'no ako makakakain kung wala kang ganang kausapin ako? Hoy? Galit ka ba sa 'kin? Okay pa naman tayo kahapon ah?

Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Bago pa ako makasagot ay magkasunod nang pumasok sina Andra at Rita kasama si Arnold.

"O pre, Tapos na kayong kumain?" tanong ni Arnold kay Sander.

"Gutom na kasi 'tong kasama ko," tugon niya.

Mas lalo yatang sumikip ang lalamunan ko ngayong kasama ko na ang dalawang nagtaksil sa akin. Nalaman ko kanina na nakuha ni Rita ang best in gown na title at si Andra naman ang Prom Princess.

"Bakit kanina ka pa tahimik Cha?" puna ni Arnold. Tiningnan lang ako ni Andra. Hindi talaga ako makatakas sa mapanuring mata nila.

Uminom ako ng tubig dahil tapos na akong kumain "Wala. May problema lang sa bahay," palusot ko pa. "Sige mauna na ako sa inyo." Isa-isa ko nang kinuha ang gamit ko at lumabas.

"Cha, hoy.." Hinabol ako ni Sander at hinawakan sa braso.

"Ano ba yan? Hindi pa nga ako nakakain iiwan mo na ako."

Gusto kong umirap dahil sa kanyang sinabi. Para namang hindi niya kayang kumain mag-isa. Umiinit ang dugo ko kapag kaharap ko siya at kanina pa ako nagtitimpi gusto ko na talaga siyang sumbatan.

"Sander, hindi ka ba nagsisisi na binalikan mo pa ako?" Kumunot ang kanyang noo.

"Ano bang klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko,"

"Bakit ako magsisisi, eh mahal kita!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang aking luha.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon