Kabanata 13

132 6 6
                                    


"Ma'am, sir, I swear.. Wala akong scandal at never akong gagawa ng ganyan kalaswang bagay," paliwanag ko

"Are you trying to fool us?" Inis akong napatayo sa tanong ni sir Baes.

"Sir may ebidensiya ba kayong ako talaga ang nasabing babae sa scandal na sinasabi niyo?" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang aking boses sa inis. Bakit ang bilis nilang maniwala?

Nag-aalangan pa siyang kinuha ang kanyang cellphone at may pinindot bago ito pinakita sa akin. "How can you explain this?"

Nanghina ako nang makita ang aking mukha sa litrato nakahubad at kayakap ang isang lalaki. Tang*nang buhay! Wala na bang lugar ng pag-asa para sa akin sa mundong ito? Puro na lang kapalpakan at kahihiyan.

"Your parents already know about this and we already called them to be here in school but they refused, so there's a tendency that you will be expelled," malungkot na saad ni Maam Flores.

"Hindi ako yan," basag ang boses kong anas. Paano ko ipapaliwanag na hindi ako 'yan kung kamukha ko ang nandiyan sa larawan? "Edited lang yan sir, maniwala naman kayo sa akin!" pagmamakaawa ko pa.

Mas lalo akong nawalan nang pag-asa nang may inilabas na litrato si maam. Tinitigan kong mabuti iyon at kuha iyon sa barong-barong ni Knee Yoz. Maayos naman ang damit namin ngunit nakayakap kami sa isa't isa. Malinaw ang aking mukha ngunit ang kay Knee Yoz ay malabo.

Muling tumulo ang aking luha. Pagkatapos akong iligtas ni Knee Yoz mula sa kamatayan ay ito lang pala ang isasalubong sa akin? Worth it ba talagang mabuhay ako sa mundong ito?

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking mga luha ngunit pinilit kong lumayo roon at tumakbo palabas. Hindi pa ba sapat lahat ng mga pinagdadaanan ko?

Sa bawat pader na nadadaanan ko ay nakadikit ang aking mukha kasama si Knee Yoz. Naririnig ko ang mga tawa ng mga estudyanteng naroon at pinagbabato ako ng kung anu-ano. Sumisikip ang dibdib ko habang pinipilit na makatakas sa lugar na iyon. Hindi ko na gugustuhing bumalik. Sirang sira na ako sa lahat ng tao at walang magtatanggol sa akin.

Ayokong umuwi dahil alam ko na kung anong magiging reaksiyon ng mga magulang ko. Ngunit umaasa pa rin ako na kahit katiting na pagmamalasakit at pag-alala ay makita ko sa kanila.

Tahimik ang bahay nang dumating ako. Naroon si nanay at tatay magkaharap na nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan. Pareho silang napatingin sa akin habang nakapako ang aking katawan sa pintuan.

Blangko ang ekspresyon ni nanay na nakatingin sa akin maging si tatay. Galit sila. Alam ko. Sinalakay ako ng kaba nang tumayo si tatay at tumungo sa aking direksiyon.

"Walang hiya ka! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!" Napapikit ako sa lutong ng sampal ni tatay.

"Tay?" tawag ko sa kanya. Baka sakaling lumambot ang kanyang puso.

"Huwag mo nang bilugin ang ulo ko Charlota. Tama na," mahinang sambit niya.

"Wag ka namang ganito tay, pakinggan mo ako!"

Mas doble ang sakit na nararamdaman ko kapag si tatay na ang galit. Mas kasundo ko siya kumpara kay nanay kaya hindi ko kayang tanggapin na galit siya sa akin.

Nakita ko na ang ganitong pangyayari ngunit naglakas-loob pa rin ako at nagbakasakali na aalamin nila ang nangyari bago ako saktan.

"Hindi po ako 'yon - " Sinubukan ko pang magpaliwanag ngunit mabilis na tumayo si nanay at sinampal din ako.

"Punong-puno na ako sa mga kasalanan mo. Pinagsisihan kong ipinanganak pa kita!" Umalingawngaw sa maliit naming bahay ang kanyang sigaw.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon