Para akong lumulutang sa alapaap pagkagising ko kinabukasan. Wala na si Knee Yoz sa tabi ko ngunit nanatili pa rin akong nakahiga sa kama at muling binabalikan ang alalaala ng pagmamahal na aming pinagsaluhan kagabi. Hindi ako makapaniwala, parang panaginip pa rin ang lahat. Tulog pa si Arby sa aking tabi kaya't hinayaan ko lang ito at nag-ayos ng sarili saka ako lumabas. Nagulat pa ako nang maabutan kong wala sa ayos ang mga upuan at naroon siya sa sulok na nakahubad at pawis na pawis habang naglalampaso.
"Anong ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Naglilinis ano bang ginagawa ko?" natatawa niyang sagot sa akin.
"Alam kong naglilinis ka pero bakit ikaw ang gumagawa?" irap ko sa kanya, pilosopo ba naman.
"Alam kong pagod ka kagabi kaya reserve mo energy mo ulit mamayang gabi." Kumikindat kindat pang ani niya habang patuloy sa paglilinis. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang kanyang sinabi.
Nahagip nang paningin ko ang maliit na unan sa sofa kaya't kinuha ko iyon at ibinato sa kanya. Agaran niya itong nasalo at tumawa. Hindi ko napaghandaan ang kanyang ginawang pagbato sa akin ng unan kaya't tumama ito sa aking mukha na kanyang ikinatawa.
Aba!
Siyempre hindi ako nagpatalo kaya't lumapit na ako at pinaghahampas siya ng unan. Humalakhak siya patakbo at kinuha ang isang unan at hinampas din ako. Sa huli ay ako ang patakbong umiiwas sa kanya dahil wala akong laban sa mga hampas niya. Nang mapagod ay ako na ang sumuko. Napatingin ako sa kanya.
Bakit ang gwapo niya kahit pawis na pawis?
"Ano? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kagwapuhan ko?" Iilapit niya ang mukha sa akin na ikinagulat ko. Itinulak ko siya para makaiwas. Ang kanyang malutong na halakhak ay nagdala sa akin noong una ko siyang makilala. Ganitong ganito siya noon. Makulit, mapang-asar at pilyo.
Tinulungan ko na siyang mag-ayos kaya lang paminsan-minsan ay nagugulat na lang ako sa ginagawa niyang pabigla-biglang paghalik sa akin sa labi.
"Knee Yoz!" sawa'y ko at nagkunwaring nainis na sa kanyang ginawa.
Sa huli ay natatawa na lang ako dahil sa mga kalokohan niya..
"Nasaan sila Grace?" tanong ko dahil kanina pa tahimik ang bahay.
"Pinauwi ko muna para masolo kita," umirap na lang ako sa kanya dahil kanina pa siya nakangisi at hindi na yata matanggal iyon.
Tanghali na nang matapos kami sa aming general cleaning at nag-umpisa na siyang maglaba. Tutulungan ko pa sana siya pero hindi na niya ako pinatulong dahil nagising na rin si Arby.
"Sarap ng buhay mo boss ah," sambit niya mula sa cr. Natatawa ako habang nagkukuskos siya samantalang ako ay nakaupo lang at nanunuod ng tv kasama ang aming anak.
Pagdating ng hapon ay tumambay kami sa may balkonahe sa labas. Pinagmamamasdan ko ang anak ko na naglalakad nang lumapit si Knee Yoz.
May iniabot siyang kahon sa akin at pasimpleng iniwas ang paningin. Agad akong napanganga ng makitang kahon ng cellphone ang inabot niya sa akin.
"Ano 'to?" takang tanong ko
"Buksan mo na lang,"
Inirapan ko siya at tumawa bago binuksan ang kahon. Hindi ako nagkamali nang mahawakan ko na ang cellphone. Masaya ako ngunit hindi ko maipakita sa kanya.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang nasa cellphone na hawak ko ang kanyang paningin.
Tumango ako "Hindi ako marunong gumamit nito,"
"Matututo ka rin, halika turuan kita."
Pinanuod ko siya habang kinakalikot niya ang cellphone. "Ito ang camera ah, tingnan mo kukunan ko ng picture si Arby." Itinapat niya ang camera sa aming anak ngunit wala roon ang paningin ko kundi nasa kanya.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...