Makalipas ang isang lingo ay napagpasyahan kong bumalik sa Maynila. Gustuhin ko mang mamalagi nang matagal roon para maikawas sa stress ay hindi rin maaari. Marami akong dapat lutasin sa Maynila.
Agad kaming sinalubong ni Denise at Grace sa airport. Natatawa lang ako habang nakatingin sa kanilang yakap-yakap ang mga anak ko. Napapailing na lang ako, isang lingo lang kaming Nawala pero parang isang taon na para sa kanila.
"Alam mo mads.. nagsayang ka lang ng pamasahe," natawa na lang ako kay Denise. Marami na nga pala akong utang sa kanya at siya pa ang nagbigay sa akin ng pamasahe para maakabalik kami rito. Pagkatapos nilang mayakap ang mga bata ay sumakay na kami sa kanyang sasakyan.
Napatingin ako sa mga nadadaanan naming naglalakihang mga building. Naisip kong maswerte ang may-ari ng mga ito pero hindi ako kailanman magkakaroon ng pagkakataong makapagpatayo ng ganyang gusali.
"Anong iniisip mo?" baling ni Denise sa akin.
"Naisip ko lang, hindi ako kailanman magkakaroon ng ganyan." Napatingin din siya sa building na tinitingnan ko. "Parang nasanay na rin ako rito sa Maynila at parang hinahanap na ito ng aking sistema kahit na hindi naman ako lumaki roon," hindi siya sumagot sa akin.
Napabaling ako sa mga bata sa likuran na nakikipagharutan kay Grace.
"Siyanga pala mads.. didiretso tayo sa condo ko," takang napatingin ako kay Denise.
"Bakit?"
Umiling siya bago sumagot. "May inuuwi yatang babae ang asawa mo sa bahay niyo," napaawang ang labi ko sa narinig.
Seryoso? Isang linggo pa lang akong nawala.
"Doon muna kayo pansamantala sa condo ko. Mas mabuti na rin yan para malayo kayo sa panganib. Baka kasi may sumugod na naman sa inyo,"
Tumango na lang ako kay Denise at sumandal sa upuan. Wala talagang direksiyon itong napasukan kong buhay. Kung sakaling hindi ko man mabigyan ng kasagutan ang tungkol kay Knee Yoz kahit na lang sana makahanap ako ng sagot sa pagkawala ni Leila.
"Denise?" tawag ko sa kanya. Mabilis siyang bumaling sa akin at ibinalik ang paningin sa kalsada.
"Nabanggit ko na ba sa'yo ang tungkol sa nawawala kong kapatid?" Napansin ko ang guhit sa kanyang noo at ang pagbagal ng kanyang pagmamaneho.
"Nawawala?" kumpirma niya. Tumango lang ako.
Buong biyahe ay ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Leila. Halos hindi siya makapaniwalang naitago ko ang tungkol dito sa kanya. Tinanong ko rin siya kung may kakilala ba siyang makakatulong sa akin.
Tulad ng sinabi ni Denise ay dinala niya kami sa kanyang condo. Mas Malaki ito kumpara sa unit namin na binili ni Knee Yoz.
"Okay lang ba kayo rito?" tanong niya.
"Oo naman," iginala ko ang aking paningin sa paligid. "Alam mo magtinda na lang kaya ako sa Quiapo, o kaya sa Divisoria." Itinigil niya ang ginagawang pag-aayos ng mga gamit namin. Natatawa siyang tumingin sa akin at umiling.
"Desperada na talaga itong kaibigan ko,"
"Seryoso ako,"
"Alam mo, ayusin mo muna natin 'tong mga gamit mo saka ka mag-isip ng kung anu-ano." Itinulak niya ako paharap sa aking mga gamit. "Magluluto muna ako, kanina pa ako nagugutom."
"Okay." Patungo na siya sa kusina nang sinagot ko.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bag at hinanap ang pangalan ni Mr. Villegas. Tatawagan ko sana siya pero nagdalawang-isip din. Dalawang araw ang lumipas nang mapagpasyahan kong pumunta sa opisina. Dala-dala ko ang resignation letter ko patungo sa opisina ni Mr. Villegas. Hindi rin naman ako makapagtrabaho nang maayos dahil nga sa dami ng nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomansaCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...