Alas-siyete na nang dumating ako sa studio kaya't nagmamadali na ako dahil alam kong biyernes santo na naman ang sasalubong sa akin. Maaga sana akong nakarating kung hindi dahil sa nangyari. Mabuti na lang at hindi gaanong matindi ang paso sa aking braso. Nilagyan ko na lang ng ointment kanina para maibsan ang hapdi.
Agad na nabaling sa akin ang atensiyon ng mga artistang naroon pagkapasok ko. May live show ulit tulad kahapon.
Iginala ko ang aking paningin para hanapin si Sky pero hindi siya nahagip ng aking paningin. Sa halip isang lalaki ang nakaagaw ng aking atensiyon. Side view lang ang nakikita ko kaya hindi ako sigurado kung siya nga 'yan.
"PA ni Sky?" Napabaling ako sa isang babaeng lumapit sa akin. Ang laki ng ngiti nito na lalong nagpaganda sa kanyang maamong mukha.
"Opo," maikli kong tugon. Hindi ko maialis ang paningin sa kanya. Ipinagtanggol niya ako sa mga starlet na nagmamaldita sa akin kahapon. Sa kabila ng mga naranasan ko kahapon ay may katulad pa rin niyang may mabuting loob.
"Ang aga mo naman. Walang show si Sky ngayon at ang alam ko ay mamayang hapon pa ang rehearsal nila." Nagpanting ang aking tainga sa kanyang sinabi. Salubong ang kilay kong nakatingin sa akin. "Hindi ka ba niya sinabihan ng schedule niya?"
"Siya ang nagsabi sa akin na 6 kami magkikita," dismayado kong ani.
"Am or pm?" tanong niya.
Iniwas ko ang paningin sa kanya. Hindi pa malabo ang pandinig ko at malinaw kong narinig na 6 am kami magkikita ngayong araw.
"Baka nagkaroon lang kayo ng missunderstanding," dagdag pa nito. "Tatawagan ko muna siya para masigurado natin ang kanyang schedule," bahagya pa siyang umurong at kinuha ang kanyang cellphone.
Nakailang dial siya at nang walang sumagot ay nagtipa siya sa kanyang cellphone.
"Baka busy. Pero nagtext na ako sa kanya. Sasabihan kita kapag nagreply na siya,"
"Salamat po," bahagya pa itong ngumiti sa akin at iminuwestra ang sarili.
"Iiwan na kita." Tumango ako sa kanya at sinundan siya ng tingin.
Para akong tanga na naiwang nakatayo roon habang palinga-linga sa paligid. Sana lang ay hindi niya sinadyang paghintayin ako rito.
Isang oras na akong nabagot sa paghihintay at hindi ko na nakita ang artistang lumapit sa akin kanina. Nangangawit na ako sa kauupo kaya't tumayo ako para umakyat sa opisina ni Mr. Villegas.
Kumatok muna ako ng isang beses bago pinihit ang door knob. Isinara ko muna ang pinto bago pumihit paharap. Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa dalawang taong nakaupo sa harapan ng table ni Mr. Villegas.
"Yes miss Charlotte?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mr. Villegas at napako lang ang paningin ko sa dalawang mukhang gulat rin sa aking pagpasok.
"May problema ba?" Tumayo si Mr. Villegas at lumapit sa akin. Nag-aalangang ngumiti ako sa kanya. Napalunok ako bago sinulyapan ang dalawa sa likuran at muling tumingin sa aking kaharap.
"Wala pa po kasi si Sky," mahina kong sambit. Bahagyang bumuka ang bibig nito at parang kinakapa pa ang aking sinabi na hindi niya agad nakuha.
"Mamayang hapon pa ang rehearsal ni Sky, didn't she told you?"
Patago kong kinagat ang ibabang parte ng aking labi. Gusto ko mang mainis ngayon pero wala ako sa posisyon.
"Maaga lang po akong dumating pasensiya na," wala sa sariling ani ko. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa dalawang nakatingin sa amin. "Hihintayin ko na lang po siya," dagdag ko pa. Hindi ko na masabi ang sadya ko rito at gusto ko na lang umalis dahil sa hiya.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...