May mangilan-ngilan pang tao sa labas kaya't umupo muna ako sa may bato habang nakatanaw sa labas ng bakuran. Inabot ako ng isang oras sa paghihintay bago pumasok sa loob.
Naroon pa si tiya Marta sa loob at nagliligpit ng ilang kalat. Napatingin siya sa akin nang pumasok ako.
"Umuwi ka pa? Hindi ka man lang nakatulong sa gawain dito,"
Kapag may gawain lang pala ako kailangan dito?
Hindi na lang ako umimik at tinulungan siyang magligpit nang mga plato. "Ikaw na maghugas diyan pagod na ako."
Pagkatapos niyang magbalot ng pagkain ay tumalikod na siya at iniwan ako. Wala man lang nagmamalasakit sa akin. Isang araw akong walang kain hindi man lang ako tinanong kung kumain na ako bago ako utusan.
"Anong gulo pa ba ang gusto mo? E, tapos na nga!" Napalingon ako kay nanay na kakapasok lang. Kasunod niya si tatay at nagtatalo na naman sila.
"Ano bang gusto mo? Maghiwalay na lang tayo? Sige total wala ka nang pakialam sa amin."
Tumulo ang luha ko habang pinapakinggan silang dalawa. Wala man lang silang pakialam sa akin kung marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi man lang nila naisip kung anong mararamdaman ko.
"Ako pa talaga hinamon mo? Hala, buhayin mo lahat ng mga anak mo. Dadalhin ko si Tintin," hiyaw ni nanay. Ikinagulat ko ang pagdapo ng palad ni tatay kay nanay.
"Tay!" sinubukan kong umawat pero tiningnan niya lang ako.
"Kahit iwanan mo kami ng mga anak mo hindi ka pa rin tatanggapin ni Nelson,"
Nelson?
"Nay? May lalaki ka?" Hindi makapaniwalang napabaling ako sa kanya. So totoo nga ang sinabi ng nanay ni Rita at ng mga chismosa naming kapitbahay?
"Huwag kang makialam dito dahil wala kang alam!"
Hindi na ako nagulat sa singhal ni nanay kaya't hindi ko na rin napigilan ang sarili kong sagutin siya "Wala akong alam dahil kapag nagtatanong ako ay hindi niyo gustong ipaalam. Bakit? Dahil hindi niyo plano na mabuntis ka sa akin? O dahil ang importante lang sa inyo ay si Celestine?"
"Tumigil ka Charlota!" tumaas na rin ang boses ni tatay. Tumutulo ang luha ko at nanginginig ako sa galit na gusto ko silang sigawan at ipaalala sa kanila na anak din nila ako at may karapatan akong malaman ang lahat.
"Kung hindi niyo gustong naging anak niyo ako sana pinalaglag niyo na lang ako. Sana hindi mo na lang ako pinigilan nung gusto kong magpakamatay nay." Pumiyok ang boses ko sa iyak nang dumapo ang palad ni nanay sa akin.
"Bastos ka! Wala ka talagang utang na loob,"
"Hindi ko utang na loob na naging anak niyo ako. Hindi ko ginustong mabuhay sa pamilyang 'to na puro sarili lamang ang iniisip." Sa pagkakataong 'yon ay palad na ni tatay ang dumapo sa akin.
Halos magwala ako sa sakit at sama ng loob.
"Hindi ikaw ang pinag-uusapan dito kaya wag kang makialam," anas ni nanay at pumasok sa kwarto. Sumunod si tatay sa loob at naiwan akong umiiyak.
Alam ko namang tungkol ito kay Celestine pero bakit ba ang kitid ng utak ni nanay? Apektado rin ako dito pero ayaw nilang makinig sa akin. Puro sarili lang nila ang iniisip nila.
"Matagal mo na palang alam na hindi ako anak ni tatay pero itinago mo lang sa akin?" Napalingon ako kay Celestine na nakatayo at matalim ang mga matang nakatitig sa akin.
"Kaya siguro galit na galit ka sa akin dahil naiinggit ka, dahil ako lang ang mahal ni nanay,"
Napapikit na lang ako sa labis na pagkabigo. Pagod na akong intindihin pa si nanay at si Celestine. Mag-ina nga talaga sila. Walang pakialam sa nasa paligid nila.
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...