Kabanata 7

86 10 6
                                    

Halos lumuwa ang aking puso sa takot at kaba habang nakapameywang na nakamasid si nanay sa akin.

"Gabi ka na naman ah?"

"Sorry nay, may practice lang kami sa JS prom," pagdadahilan ko pa.

Lumagpas lang ang tingin ni nanay sa aking likuran. Kinakabahan akong lumingon at napasinghap nang makita kong nakatayo sa aking likuran ang lalaki.

"Pasensiya na po nay, muntik na po kasi siyang mapahamak kanina kaya't hinatid ko na lang pauwi."

Napapikit na lang ako nang makita ang lalaki sa aking likuran. Nanlilisik ang mga mata ni nanay nang lumingon sa akin. Umiling pa ako para depensahan ang aking sarili. Mas lalo kong ikinagulat ang paglapit nito at pagmano kay nanay.

"Magandang gabi ho nay!" Maang kong pinanuod ang kanyang ginawa. "Huwag ho kayong magalit nay, kaibigan po ako ni Charlotte. Bantay sarado po 'yan sa akin sa eskwela, binabantayan ko po sa boypren niya."

Napapikit na lang ako sa kanyang mga pinagsasabi. Ang lakas pa ng loob niyang tawaging nanay ang aking ina.

Paano niya nalaman na Charlotte ang pangalan ko?

Hindi ko alam pero sa halip na singhal ang abutin ko kay nanay ay parang lumiwanag ang kanyang mukha.

"E, bakit hindi mo naman sinabing kaibigan mo ang anak ko?" Tanong nito na lalo kong ikinagulat.

Naiwan akong tulala sa labas habang inaakay niya ang lalaki papasok sa bahay ni tiya Marta. Biglang sumakit ang aking ulo. Patuloy ang kanilang pag-uusap na para bang madalas nilang ginagawa iyon. Magkakilala ba sila?

Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon.

Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton.

"Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit.

Tiningnan ko ang kuko kong natamaan, mabuti na lamang at hindi ito natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala.

Hindi ko alam kung anong nakain ng nanay ko at pinapasok pa nga niya sa bahay ang lalaki at doon pinakain at dahil nga likas nang makapal ang pagmumukha ay hindi ito tumanggi.

"So pa'no yan kilala na ako ng pamilya mo?" Nakangiting saad nito nang ihatid ko siya palabas.

"Ganyan ka ba talaga ka presko? Hindi ka man lang nahiyang tumanggi?" Inis kong ani sa kanya pero tumawa lang siya.

May tililing yata 'to sa utak. Naiinis na nga ako pero tumatawa pa rin siya. Kapag ako talaga napagalitan ni nanay mamaya hahanapin kita at malalagot ka rin sa akin.

"Bakit ako mahihiya? Nanay mo ang kusang nag-imbita sa akin,"

Aaminin kong kinakabahan ako nang makaalis siya kahapon pero ipinagtaka ko na walang reaksiyon si nanay.

"Bilisan mo na!" Singhal ni nanay sa akin kaya't nagmadali na akong ibalik ang mga gamit sa karton. Hindi ko na ito inayos nang mabuti at basta na lang sinalampak sa loob.

Isang panyo ang umagaw sa atensiyon ko. Kinuha ko iyon at tinitigan. Pamilyar ito sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Tinitigan ko ang naka-embroide na pangalan.

Sky?

Nagulat ako sa biglaang pag-agaw ni nanay sa akin ng panyo.

"Pakialmera ka talaga." Hinablot niya iyon sa akin saka tumalikod.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon