Kabanata 14

96 5 6
                                    

Maliwanag na ang paligid pero himalang naroon pa rin silang dalawa sa aking pwesto. Tawang tawa ako kay Edward na nambobola ng mga namimili. Matalim ang tingin ni Denise sa kanya at hindi pa rin namamansin.

"Ate ano sa inyo? Dito na kayo bumili murang mura lang. Bibigyan ko pa kayo ng discount." Pangungumbinsi niya sa babaeng dumaan. Hindi siya pinansin nito at lumipat sa ibang pwesto kaya't napailing na lang siya "Ayaw niyo edi 'wag. Hmp, chossy pa kayo ang gwapo ko na nga," Nagpigil ako ng ngiti nang tumigil siya dahil sa matalim na tingin ni Denise.

"Hoy ate ano ba naman yang paninda niyo bulok." Nagulat ako sa babaeng nasa harapan namin at dala-dala ang kalahating kilo ng talong na kanyang binili. "Tingnan niyo oh, ano pang papakinabangan namin diyan puro uod?" Bahagya akong napaiwas nang padabog niyang nilapag sa aming harapan ang mga talong na pinaghihiwa. Nagkalat pa sa sahig ang ibang kamatis at sibuyas dahil sa kanyang ginawa.

"Grabe naman si ate, luging lugi?" sabat ni Denise.

Lukot ang mukha kong napatingin kay Knee Yoz na nakaawang din ang labi.

"Pasensiya na po ate! Papalitan na lang namin," awat ko para di na magkagulo.

"Aynaku, wag na lang," kunot-noong pagmamatigas nito. "Baka mamaya bulok ulit yan. Ibalik mo na lang ang pero ko. Apat na kayong tindera at tindero dito hindi niyo pa maayos ang trabaho niyo," paninita pa nito.

Tahimik akong nagbilang ng pera at iniabot sa kanya ang halaga ng kanyang binili "Sige na po ate, eto na ibabalik na namin ang pera mo." Hinablot niya ang pera sa akin at binilang "Sa susunod mga ineng ah, unahin niyo muna magtinda bago kayo maglandian," habol niya pa saka umalis.

"Huwag ka ng bumili dito ang dami mong reklammm —" sigaw ni Denise pero agad na tinakpan ni Edward ang kanyang bibig.

Napabuntong hininga ako dahil sa babae. Minsan talaga hindi maiiwasang magkaroon ng ganitong customer.

"G na g amp*ta, pwede namang sabihin nang mahinahon kailangan pang ipagsigawan sa lahat. Kasalanan ba naming inuod ang talong?" Bumaling ako kay Denise na mas high blood pa sa akin.

"Tama na nga. Kanina pa mainit ang ulo mo eh," saway ni Edward.

"Supalpalin ko pa siya ng talong e," inis pa ring sambit niya.

"Hayaan mo na," ani ko sa kanya. Kahit ano yatang pang-aalo ang gawin ni Edward sa kanya ay mainit pa rin ang kanyang ulo.

Buong araw silang nakatambay sa aking pwesto saka lamang nagpaalam nang mag-alas cuatro na.

"Alis na kami," paalam ni Edward kay Denise pero inirapan niya lang ito.

"Pwede ba kitang makausap Cha?" Ipinagtaka ko ang paglapit ni Edward sa akin. Bumaling muna ako kay Denise at Knee Yoz na nakatingin din sa akin. Hindi na ako nagtanong nang tumango si Knee Yoz sa akin. Sumunod ako kay Edward na nauna na sa akin. Lumayo kami ng bahagya, sapat lang para di marinig ang aming pag-uusap. Pansin ko ang matalim na tingin ni Denise sa akin.

"Ano?" tanong ko kahit hindi niya naman marinig. Umarko ang aking labi nang hindi pa rin nagbago ang kanyang tingin.

"Anong problema?" Baling ko kay Edward.

"Anniversary kasi namin ngayon ni Denise at may surprise ako sa kanya." Lumiwanag ang mukha ko sa kanyang sinabi. Wala pa man ay kinikilig na ako sa mangyayari mamaya.

"Anong maitutulong ko?" excited kong tanong.

"Yayain mo lang siyang kumain mamaya tapos dalhin mo siya dun sa rooftop ng bahay ni Knee Yoz."

"Dun talaga? Hindi ba halatang may ganap?"

"Okay lang yan. Magpo-propose ako sa kanya –" Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay napatili na ako. Mabilis niyang inilagay ang daliri sa kanyang bibig hudyat na tumahimik ako.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon