Kabanata 16
"Where are you going, Chantal?"
I stopped taking my clothes from my closet when Mommy entered my room. Nilingon ko siya at nakita kong nakapameywang habang nakaarko ang kilay sa akin. I let out a sigh. Right, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya na papunta akong Batangas kasama si Kiel at ngayon na iyon.
"I'm assigned to come with Keiron Vanhouger and his staffs on Batangas for a project.." I said and her eyes immediately twinkled.
Kinontrol ko ang magbuga ng hininga. She walked towards me, glanced at my things first before created a one glowing smirk. Umupo siya sa kama ko.
"Keiron Vanhouger, huh?" She taunted as she watched my reaction."Tingnan mo nga naman, mukhang umaayon sa iyo ang pagkakataon, hija.."
My lips formed in grim line."I think sinadya niya iyon. Sinadya n'yang ako ang mapili at isama doon, Mom." Her brows arched more.
"Why it seems like, you aren't happy at all? Is there a problem, Chantal? Dapat ay masaya ka dahil marami ka nang pagkakataon para makuhang tuluyan ang loob no'ng Vanhouger na 'yon."
Matagal akong hindi nakasagot. I don't know myself either. Sa mga lumipas na araw bago ang ngayon, pakiramdam ko ay nakalimutan ko ang lahat. Ewan ko, nawala sa isip ko ang totoo kong agenda. Masyado akong naging okupado nitong nagdaang mga araw. Ganoon parin naman ang takbo ng buhay ko, ang pinagkaiba nga lang ay parang may nagbago. Parang paggising ko isang araw, may dumagdag sa buhay ko.
"Yes, Mom. I-I'm actually happy.. yeah, you're right.." sabi ko nalang.
Tinitigan n'ya ako, kinikilatis mabuti ang aking reaksiyon. I didn't look away kahit na medyo guilty ako kasi ayoko mang aminin, talagang nakalimutan ko ang magiging advantage ko sa pagsama sa proyekto.
"Hanggang ilang buwan kayo roon?" Tanong niya. Namilog ng bahagya ang mga mata ko.
"Mom, isang linggo lang!" Agap ko."Isang linggo lang kami roon.."
Her lips pursed. Tumayo na siya. Her silk dress hugged her body tight, even in mid 40's, she's still looking young and elegance can define her being. Matangkad si Mommy at balingkinitan ang katawan. Model siya noong dalaga pa lamang ayon kay Manang Edna sa tuwing nagtatanong ako noon tungkol sa talambuhay ng sarili kong ina.
Lahat ng nalalaman ko ngayon sa pagkatao n'ya ay galing kay Manang. Ni kahit minuto, hindi siya kailanman nakapagkwento sa 'kin. Mabuti pa iyong mga amiga n'ya, kapag pumupunta siya sa casino, palagi silang nagchichikahan, nagbobonding. Sometimes I wish I were just her acquaintance, so that she could tell me every details of her life whenever I ask. With no hatred but full comfortable and sincerity.
"Kung gano'n, sa isang linggo na 'yon, siguraduhin mo lang na hulog na siya sa 'yo." My lips parted a bit."Naiintindihan mo ba ako, Chantal? In that one week, siguraduhin mong kayo na. At kapag naramdaman mong mahal na mahal ka na n'ya, saka mo iwan sa ere." Sinabi n'ya iyon nang may taas-noong ngisi.
Bumaba ang tingin ko. Why am I like this? She's right! That's the plan! That's the right thing to do! Iyon ang nakatakda kaya iyon ang gagawin ko. Tama, iyon ang gagawin ko. Wala nang iba. Kung mayroon mang plano si Kiel kaya niya ako isinama, kailangan kong unahan siya. Kailangan sa huli, ako ang umuwing panalo. Ayoko nang mabigo, ayokong biguin sila...
So I nodded, with a small smile on my lips."Noted, Mom. I-I'll make you proud.. you and Tito.. and Ate."
Why am I hard time saying those words now? Did something really change? Am I still who I am? Why the fvck there's these glint of hesitations.. doubts and.. change of mind? Hindi kaya.. ginaguyama ako ni Kiel?
![](https://img.wattpad.com/cover/248585319-288-k463384.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)
RomanceEvery night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but behind that traits is her seductive and naughty aura that any men species could fall for. So she use...