Kabanata 32

3.1K 72 0
                                    

Kabanata 32


"Kuya, ano pong tawag sa mga ito?


Tumingin sa akin at nagkamot-batok si kuyang may suot na panyo sa ulo matapos kong ipakita ang hawak na mahabang kinakain na lasang kamote na nakabalot sa isang dahon tsaka malasang sawsawan na pwedeng pang-ulam.


"Kamoteng suman at achara ang tawag sa mga iyan, ma'am. Galing pa iyan sa Calaca at iyan din ang best seller sa kanila," he explained.


Tumango-tango ako at humahangang tiningnan iyong masarap na sawsawan na nakalagay sa isang bote, na achara pala ang tawag. Infairness, it's tasteful. Ingredients mixed in it literally melts through my tongue.


"So this is what they call the sumang kamote! Meron po bang sumang patatas?" Dwayne intruded as he bit his own kamoteng suman.


Kuya shook his head. I smirked and scooped some achara to eat.


"Walang ganoon, Sir. Kung gusto n'yo ng pataas, sa bukirin at taniman roon iyon matatagpuan." Sagot ni Kuya kaya napapahiyang tumawa si Dwayne.


I'm just containing my smirks. Minutes later, iniwan na kaming dalawa ni kuya. We are currently here on the mini wooden table, in front of their stall which is their source of income. Nakalagay sa maliit nilang stall ang iba't-ibang panghimagas o pwede rin namang pang meryenda.


Si Dwayne naman ang nag-aya sa akin papunta rito para sa almusal namin pareho. Weird nga, e, mga pagkaing panghimagas ang ibinebenta pero dito kami nag-almusal. Tsaka pa, naalala kong nasabi niya na may mga kasama siya patungo rito para magbakasyon kaya bakit ako itong kasama niyang nag-aalmusal ngayon?


"Hoy," I called him.

He stopped from eating and lifted his gaze at me.


"Maka hoy ka naman. Oh bakit?"


"You told me you're with your cousins and friends so why are you here with me? Ba't hindi sila iyong sinasamahan mo?" I asked and bit my own food.


His forehead creased."Malalaki na sila at kaya na nila mga sarili nila. Why, ayaw mo ba akong kasama?"


In a short time, me, being with him together, nakapahbahagi kami ng mga bagay-bagay sa isa't-isa. I know I told him already that I don't easily opening up with the person I just met somewhere, a totally stranger. But napagtanto ko naman na mukhang madali naman siyang pakisamahan, malinis ang intensyon at hindi rin naman masama ang makipagkaibigan. At pinatunayan niya rin naman iyon.


It's just that.. sometimes, even if we keep on saying that we should never tell to anyone our rants in life, we cannot control it. Especially if there's someone who's willing to listen. Someone that might be a good listener based on how you vividly observes them.


Ako, inobserbahan ko talaga 'tong si Dwayne. Kung mapagkakatiwalaan ba talaga siya o ano. Kailangan, e. Ang hirap na kaya magtiwala sa panahon ngayon. Marami na ang manloloko.. ang mapanlinlang.. at mga taong sa una akala mo mamahalin ka pero sa huli, sasaktan ka din naman pala.


I shook my head at Dwayne and my crazy thought."No.. hindi naman sa ganoon. Ang sa 'kin lang, sila ang kasama mo patungo dito. Technically, sila dapat kabonding mo hindi ako." I said frankly.


Itsura siyang nagulat pero ngumiti rin kalaunan. Napag-alaman ko rin na hindi naman pala siya tipikal na maloko, ewan ko, sabi niya, kusa lang daw nalabas ang gano'ng ugali niya. Bipolar lang?


"But I don't want to bond with them," my eyes widened. He laughed at my reaction."I mean, ayoko silang kabonding masyado kasi doon nga sa maynila ay kami-kami na ang magkakasama hanggang sa paglaki, pati ba naman dito? E, mga siraulo at maldita pa ang mga 'yon. Konsumisyon sa akin!"


Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon