Kabanata 30
The time I decided to go home is also the moment they disowned me. How lucky I am, right? I'm super lucky, as in. Sunod sunod na ang sakit, meron pa bang kasunod? Kasi kung mayroon pa, kaya ko pa naman. Kaya ko pa namang lumuha hangga't may iluluha. Pero sa oras na kahit ni isang patak ay wala nang lumabas pa, doon ako titigil at magdedeklarang ayoko na.
So I drove there to my only companion and shoulder to cry on. Sino pa ba? Wala nang iba. Sasabihin siguro nila, tuwing gabi na lamang ako nang-aabala. Hindi ko nga rin alam, e. Siguro next time na masaktan ako, umaga naman.
I rang their doorbell. 'Di naglaon, lumabas si Tita Myla at kaagad akong namukhaan. Rinig kong tinawag niya si Ria at ilang segundo nga lang ay iniluwa ito ng pintuan. Her eyes immediately widened and ran towards my direction. I smiled. Tuyo na ang mga luha sa pisngi ngunit may nagbabadya na naman.
"Shet, mare! Sinasabi ko na nga ba't babalik ka rin, e!" She grabbed me for a hug. A one warm hug.
Doon ako humikbi at ipinagpatuloy ang paglalabas ng sama ng loob. She continued caressing my back. While Tita Myla is in awe as she's watching us.
"Itinakwil na nila ako, Ri.." para akong nagsusumbong na bata."Pinalayas na nila ako.." I sobbed and sobbed again.
Hinaplos niya ang aking buhok."Shhh... okay lang 'yan.. nandito pa naman ako. Pwede mo naman kaming maging pamilya, Cha! Willing kaming tulungan ka, ituring kang kabilang sa pamilya!"
I chuckled at kumala saka pinahid ang mga luha."Nakakahiya naman kung sa inyo nalang palagi ako tatakbo.. nakakahiya, ayoko namang maging pabigat sa inyo.."
"Ay, shy girl ka na niyan? Mare naman, e! 'Di ba sabi ko walang hiya hiya? Ako lang 'to, Cha, kaibigan mong solid hindi liquid! Gaga neto, hindi ka naman dumbbell para maging pabigat! Tsh!" Pandidilat niya.
Tita Myla laughed a bit.
"She's right, Chantal. Wala namang kaso sa amin kung manatili ka muna rito. Tsaka hindi ka kailanman naging pabigat. Infact, we are grateful to have you in the family! We are willing to help you, hija." Pangungumbinsi pa nito.
It's warming my heart everytime there are people whose willing to be with me, that never treated me as others and always making me feel that I'm belong.
Ang mag-ina ay naghihintay ng magiging sagot ko, but I didn't make a response. I'm still processing everything, I don't know where to start again. And I hope they can understand me. Pinatuloy nila ako sa loob. Nagulat sina Tito Anton at Ryu na nasa sala matapos makita muli ako. Sino ba namang hindi magugulat kung ang nagpaalam na uuwi na sa bahay ay babalik at sa gabi pa talaga muli ulit.
Sabi ni Tita Myla ay si Tito Anton na raw ang bahala sa sasakyan ko sa labas pati mga gamit. Umapela ako at sinabing ako na ang magdadala ng mga iyon pero hindi nila ako pinayagan. Pinaupo nila ako at ipinaghanda ng hapunan. Hindi ko alam ang mararamdaman.
"Alam naman ng halos lahat ng kaedaran namin ang ugali ni Roxanne Trinidad pero hindi ko parin lubos akalain na sarili n'yang anak, palalayasin niya? Is she still thinking right?" Tita said at sinalinan ng tubig ang baso ko.
I sighed."Matagal n'ya na naman po akong hindi gusto. Of course I'm her unwanted child, her mistake. I understand if she hates me that much. Matagal ko na pong tinanggap ang katotohanan na hindi niya ako kayang tanggapin bilang kan'yang anak.."
Malungkot nila akong tiningnan. I stretched my lips for a small smile to make them know that I'm okay, but still, it faded. Hindi ko na talaga yata kaya ang magpanggap pa. Katulad ng pag-iyak, pagod na rin akong magpanggap na okay pa ang lahat.
BINABASA MO ANG
Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)
RomanceEvery night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but behind that traits is her seductive and naughty aura that any men species could fall for. So she use...