Kabanata 23

2.8K 71 1
                                    

Kabanata 23


The boys left us after the introduction session. Nakaupo kami ni Leticia sa marbled chair dito parin sa garden. Walang nagsasalita sa pagitan namin at tanging huni lamang ng mga ibon at pagaspas ng hangin ang namamayani. She keeps on roaming her eyes and clearing her throat. Can't blame her, it's really awkward though. But I won't do the first move either.


"Hmm.. hmmm.. hmmm.. a dream is a wish your heart makes.." Leticia suddenly, sang.


Mahina iyon pero kami lang naman dalawa ang narito kaya dinig na dinig ko parin. I'm shocked. She keeps on humming the song I can't recognize. Nag-alangan pa ako kung magsasalita na ba pero sa huli ay pinili kong umaktong normal.


"What's the title of that song?" I asked, naturally. She stopped, face flushed.


"Ahm.. a dream is a wish your heart makes.."

Kumunot ang noo ko.


"Huh? I'm asking what's the title of that song?" I laughed awkwardly. Hindi ko naman sinabing ulitin niya 'yong lyrics.


Nagkamot siya ng ulo."E, iyon na nga 'yong title, 'A dream is a wish your heart makes' by Lily James. Soundtrack ng Cinderella!" She pointed out. Napanganga ako.


"Ahh.." at tumango-tango."You mean, Cinderella disney movie?"


"Yup!" She answered, happily.


"Saang part niya naman kinanta 'yan? Don't get me wrong, ah, I just want to know since I don't remember clearly the scenes on that movie anymore..." I can't believe we are talking about disney!


"Hindi, okay lang, natutuwa rin naman akong magkwento tungkol sa kanila! Kinanta 'yon ni Cinderella noong magaganap na ang grand ball sa palasyo at tinutulungan siya ng mga kaibigan n'yang daga at ibon sa susuotin n'yang damit na sinira lang naman ng dalawa n'yang stepsisters!" Her brows furrowed but it immediately faded."Pero okay na rin 'yon, kasi dahil doon, nakilala niya si fairy godmother at binigyan siya nito ng magarbong gown! Pero alam mo ba na mayroon pa siyang kinanta bago iyon? Iyong 'sing sweet nightingale' habang nagpupunas siya ng sahig? Tapos alam mo rin bang----"


"Okay na, okay na Leticia. Naaalala ko na ang scenes na 'yan, thank you!" Pinutol ko na ang mga sasabihin pa niya. She pouted.


Hindi naman siya spoiler niyan, ano? Actually I find her cute while talking, her reaction was changing depends on the situation. Hanga rin ako kasi nasaulo niya lahat ng iyon samantalang ako, iyong nakipagsayaw lang ata si Cinderella sa prince charming niya ang naaalala ko. I envy her memory.


"Ganoon ba? You're welcome! Masyado ba akong madaldal? Sorry, ah? Ganito lang talaga kasi ako kapag disney ang pinag-uusapan o kung minsan, kapag komportable na ako sa isang tao," she explained. My eyes widened a bit.


"No, no, it's okay! I like the way you act towards me, very natural. Ang ayoko iyong mga plastik, hindi ka naman plastik 'di ba?" She shook her head.


"Hindi 'no! Tao kaya ako," at humalukipkip. I'm stunned. What the hell...


Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. I heaved out a sigh. Napansin ko ring medyo slow siya. Medyo lang naman.


"So you're already comfortable with me?" She nodded cheerfully."That fast?" Tumango ulit siya nang paulit-ulit. Nanatili akong ipinoproseso ang lahat.


"Oo naman! Feel ko naman kasi mabait ka at sobrang nagagandahan talaga ako sa 'yo simula pa lamang no'ng makita kita sa simbahan," tapos ay tumawa siya."Omygoshie! Natotomboy na ata talaga ako! Paano na nito si Kelvin?" She said out of nowhere.


Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon