Kabanata 15

3K 77 1
                                    

Kabanata 15


I'm staring blankly at the waves of dancing people. Hinahayaang tangayin ng maingay na tugtog ang huwisyo. I crossed my long legs and sipped on my wine. Neon lights rolling all over the area, making the whole place hue in nostalgia. May mangilan-ngilan nang lumalapit sa akin pero iniilingan ko lang kagaya ng palaging ginagawa. I felt Zeon's presence at the back.


"Anong status n'yo ni Sir Keiron?" Napaharap ako sa biglaan n'yang tanong.


"Status? Hmm.." Inisip ko kung ano na nga ba kami ni Kiel."I think, we're fling. Yeah, we're just fling. Why do you ask?"


He shook his head.

"Napapansin ko lang, parati kayong may quality time dito sa bar." He said that, innocently. My eyes came wide.


Quality time, goodness! What did he mean by that? Damn, mukhang lawad na lawad ang landian namin ni Kiel.

"Siguro kasi ako ang favorite n'ya sa lahat ng flings niya." I winked and sipped my wine again, hiding my naughty smirks.

Ilang dose kaya ng confidence ang nainom ko? Favorite, huh. I'm honestly thinking if my conclusions are true enough to publicize the score between me and Kiel. Ni hindi ko masigurado kung may improvements na ba talaga kami ng babaerong 'yon. Basta ang alam ko lang, medyo clingy na siya pagdating sa 'kin. I discovered that traits of him recently.


Nakita ko si Zeon na napakamot sa medyo kulot n'yang buhok."Siguro nga. Sabi kasi no'ng pinsan kong pinalitan ko rito, noon pa man daw ay kaliwa't kanan na ang babae ni Sir Keiron Vanhouger."


That caught my interest. I stopped sipping and gave my full attention to him.


"So.. pinsan mo pala 'yong naabutan ko pa dito.." He nodded. I chuckled."Hindi na naman kagulat-gulat iyon, he's known for being a playboy billionaire! Kahit siguro mga insekto ay alam iyan."

Pati siya ay napatawa ng mahina. I like his vibes. He's easy to be with. Pagselosin ko pa kaya si Kiel? Para malaman ko na kung may gusto na ba talaga siya sa 'kin. Feeling ko kasi hindi siya basta-basta natitibag, pakiramdam ko kaya n'ya parin akong wala sa buhay n'ya. Ang gusto kong mangyari, mabaliw siya sa 'kin. Tipong hindi n'ya kayang wala ako, na kapag iniwan ko siya ay luluha siya ng husto. Kasi iyon ang plano.


Siguro kaunting push pa. Kaunting kembot pa, Vanhouger. Malulunod ka rin sa 'kin, hanggang sa hindi mo na alam kung paano pa makaahon..

"Pero napapansin ko nitong mga nakaraang gabi, ikaw nalang talaga ang nakakasama niya.." Zeon muttered. My brows arched.


"You think so? Hindi mo siya nakikitang bumabalik dito pagkatapos akong ihatid? Like searching for other girls? Flirting? Like he usually do?" Napakaimposible kasi ng sinabi niya.


Tingin ko nga ay hindi parin nagbabago si Kiel. Iyon pa kaya. E, nakadikit na nga sa pangalan niyon ang salitang babaero. I don't think a playboy can change that fast with just one kiss nor flirt not even sex! Oo magaling ako, pero parang ang bilis naman kung iisiping hindi na s'ya nambababae pagkatapos kong landiin.

Isa lang ibig sabihin no'n. Epektibo ang kamandag ko. But at the back of my mind, I can't convince myself believing it. Maybe if I see him again, there, I could distinguish which stage is he now.

Nag-isip si Zeon at mayamaya ay umiling.


"Hindi ko naman siya nakikitang bumabalik dito pagkahatid sa 'yo."

Tumango-tango ako sabay inubos na ang shots. Even he concluded that, I'm still not satisfied. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong tumatagal na ang minuto ay hindi parin dumarating si Kiel. Nagdesisyon akong maghintay pa ng ilang oras hanggang sa umabot na ng alas-dose.


Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon