Kabanata 39
"Ma'am?" Isang guard ang pumukaw sa huwisyo ko.
Lumingon ako dito nang nakakunot ang noo. He put his hands on his nape and smiled shyly.
"Makikisuyo naman po, maaari bang medyo lumayo kayo?" What?
"Excuse me?"
Nagkamot siya ng batok."E, ma'am.. nakaharang po kasi kayo sa parking lot. May sasakyan po na magpapark dito mismo sa pwesto n'yo,"
Nakaramdam ako ng hiya.
True enough, isang sasakyang itim ang papunta sa gawi ko. Slowly, I walked away to give it the space. Manong guard thanked me, I didn't talk back though. Alam niya na iyon, na kaya hindi na ako nakatugon pa, e, napahiya ako. Ano nga ba kasing pinaggagagawa ko sa buhay ko?
Never in my life I saw myself being a creepy stalker! Psh, sana pala hindi ko na lamang sinundan ang dalawang 'yon. E, ano naman kung magmotel sila? I'm out of it and it's not as if I care anyway.
I drove home feeling stressed. Dagdag pa iyong si Ericka Lorenzo. Her words were like a boomerang flashing in my mind. I don't want to deal with it because I'm so drained today. I don't think I can handle another stress. So I washed it out.
Pagdating ko sa condo, bumagsak kaagad ang katawan ko sa kama. Kagigising ko lang naman kanina pero parang ilang oras na ang ginugol ko at pagod na pagod ako. I'm so tired.. emotionally and mentally. Matitiis ko pa kung pisikal na pagkapagod lamang pero hindi, e. Tulala lamang ako sa kisame, naisip kong tawagan si Ria pero ayoko nang makaistorbo. She has her own life.
Sabihin man n'yang nariyan siya palagi sa akin, hindi ko iyon sasamantalahin. Maybe I'll just sleep all this burden inside me. I tried to make a position where I'm comfortable to make a sleep but it turns out I already did all the sleep position I know and I'm still fully awake. Ang hirap makatulog kapag pinipilit and I can't help but to overthink.
Paano nga kaya kung mas napaaga ako? Paano kung ipinagpilitan ko na makita at makilala siya noon pa? Siguro makakasama ko pa siya. Siguro magagawa pa namin 'yong mga gusto kong gawin kasama siya. Siguro abot pa ako... siguro nandoon ako sa tabi niya sa mga oras na nahihirapan siya at nakakaramdam ng lungkot at pag-iisa.
Coz... damn. I really can't imagine him being alone while suffering from a cancer. Iyong nasa punto ka na nga lang ng pag-aagaw buhay, wala ka pang karamay at pakiramdam mo wala nang dahilan pa para lumaban.
I hate myself for wasting our time. Ang daming oras na nasayang. Sobrang sayang kasi hindi ko na siya mayayakap at makakasama pa nang buhay.
Ni hindi ko man lang siya natawag na Papa.. Ni hindi ko man lang naiparamdam ang pagmamahal ko para sa kaniya..
I covered my mouth with my palms as I cried loudly. I sobbed and sobbed 'till my voice became hoarse. Ang sakit sakit ng dibdib ko, ng mga mata ko kakaluha.. ng lahat. Masakit lahat. Maybe ganito talaga ang pakiramdam kapag pinagkaitan ka ng mundo. You will just think of crying and let all your tears flow 'till you can finally feel okay.
Sa pag-iyak ko ay doon ako nakagawa ng tulog. Nagising ako mga bandang alas dos. Mabigat parin ang pakiramdam pero kailangang kayanin. When I checked my phone, there were 20 missed calls and almost 50 plus messages from Ria. Tinawagan ko na lamang siya at sinabing nakauwi na ako at nakatulog lang kaya 'di ko nasgaot mga tawag niya kanina.

BINABASA MO ANG
Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)
RomansaEvery night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but behind that traits is her seductive and naughty aura that any men species could fall for. So she use...