Warning: [r-18]
------------------Kabanata 50
Pagkabalita ko palang kila Mommy ay agaran silang nagpunta dito sa mansiyon. Besides, inimbita din naman sila ni Tito Jershun dahil nag-set ito ng dinner para sa lahat upang ipagdiwang ang nangyaring engagement. I also informed Ria dahil baka magtampo na naman iyon, she congratulated me. Masayang-masaya talaga ang bruha. Sabi na lamang niya ay i-inform siya kung kelan ang kasal tapos marami pa siyang sinabi. Mas excited pa talaga siya sa akin.
"Congrats, hija!" Mommy kissed me on my cheeks nang pinagbuksan sila ng gate ng mga maids."Masaya ako para sa 'yo, anak.."
"Thanks, mom. I'm glad nakapunta kayo," ngiti ko.
"Syempre, palalampasin ba namin ito? Mas nauna ka pa talagang ikasal kaysa sa ate mo,"
We both laughed.
Speaking of ate, natuloy ang flight nito papuntang states. Tinanong ko kung saan bang bansa ito pupunta, aniya ay sa Canada daw then I suddenly remember Dwayne is coming there, too. I can smell something destiny. However, they both hate it but seems destiny's having fun playing them. Mukhang may aabangan akong love story, huh.
"Nagagalak akong pinaunlakan ninyo ang imbitasiyon ko," ani Tito Jershun nang makapasok kami sa loob ng mansiyon.
"Of course, sino ba naman kami para tanggihan ka? I'm glad we met again, Jershun." Ani Mommy.
Nahihimigan ko ang kaplastikan or nasanay na lang talaga akong ganoon siya noon?
"Nice meeting you again, Jershun. There's so many things we want to tell you," Tito Miguel said. They did handshakes.
"Is that so? Well, you should spill those later. Halika't kumain muna kayo, nagpahanda ako ng mga putaheng tiyak akong magugustuhan ninyo." Aya ni Tito at tuwang-tuwa naman sina Mommy na sumunod dito.
Medyo napaaga ang pagpunta nila, dapat kasi ay mamaya pang alas syete ng gabi pero excited sila masyado kaya kahit quarter to six pa lamang ay narito na kaagad sila.
So before the dinner came, nakapagkwentuhan pa sila at nakipaglaro kay Tate at Azelar na buhat-buhat ni Leticia. Nang sumapit ang dinner, naging busy na lahat ng maids para sa pag-oorganisa ng long table at settings sa side pool. Doon kasi ang magandang view. Even we're comfortable with each other a little bit, I more preferred to be formal. I wore my champagne dress and paired it with my coffee heels. Nakakahiya naman sa pulos tuxedo nilang suot.
"When is the wedding?"
Nagkatinginan kami ni Kiel at sabay bumaling kay mommy na nakataas ang kilay na tinanong iyon. He held my hand, they watched that gesture of him. Maging sina Tito Jershun at iba pa ay naghihintay ng sagot.
"Kahit bukas na po, tita. Bukas o sa isang araw basta matutuloy at siya 'yung bride ko, walang problema."
What? Seryoso ba siya?
Kahit sina Mommy ay naguluhan at mababakas ang pagkaaliw."Really, hijo? Kahit bukas? Masyado naman yatang mabilis, I think it's not good if you both make it that quick. Maaaring masama ang kalabasan ng kasal kung magmamadali kayo,"
"I agreed. Hindi ba pwedeng planuhin muna? Alam naming mahal n'yo ang isa't-isa, walang duda doon pero seryosong usapan ang pagpapakasal na kailangang planuhin nang mabuti." Tito Miguel added.
Napatingin kami kay Tito Jershun, he sighed.
"I have nothing to say. Nasabi na nila, e." He shrugged and sipped on his wine.
BINABASA MO ANG
Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)
RomanceEvery night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but behind that traits is her seductive and naughty aura that any men species could fall for. So she use...