Kabanata 29

2.8K 79 0
                                    

Kabanata 29



Hindi ako dumiretso kila Ria, bagkus ay nagpasiya akong magpahangin muna. Pakiramdam ko kasi, ang dami ko nang naiyak at kaunti na lamang ay mawawalan na ako ng boses. Damn, seems like I get dehydrated too bad.


Brokenhearted na nga, dehydrated pa. Wala na ba akong imamalas pa dito?


I stopped there in convenience store I have passed by. I stepped out and took 20 pesos from my wallet to buy some fresh water. 'Yong malamig sana ang gusto ko kaso may awa parin naman ako sa lalamunan ko. Nagbayad na ako sa clerk na naroon at naupo muna sa bench nila sa labas.

There were several couples around me. Nakakapait tuloy. Mabuti pa sila at masaya, tamang tawa-tawa at kilig lang sa gilid tapos ako heto, may hawak na tubig at nag-iisa, tamang tulala lang. Nakita ko pang naghampasan iyong magjowa sa harapan ko, sa mismong harap pa, ah. Nagpapacute pa iyong girl kay boy loves niya.

"Psh, maghihiwalay rin naman.." I don't know why I uttered that. Maybe Ria's bitter spirit possessed me.

"Anong sabi mo, ate?" Bahagyang namilog ang mga mata ko nang magsalita 'yong girl na nakikipaghampasan.

Magkasalubong na ang kilay nilang dalawa ng jowa n'ya. I made an awkward laugh."H-ha? Wala! Ang sabi ko, sweet n'yo namang couple, sana magtagal pa kayo!"

Nawala rin ang magkasalubong nilang mga kilay at ngumiti ng matamis si girl sa akin pagkatapos ay lumingkis kay boy. I'm on a hard time controlling my lips na ngumiwi.

"Thank you, ate! Syempre kailangan pong maging sweet para mas tumibay pa ang relasyon hihihi. Sana magtagal rin po kayo ng boyfriend mo!" She said happily. The hell.

Nang-iinsulto ba siya? Mygoodness! Sirang-sira na ang araw ko nito.

"Girl, wala na akong boyfriend. Respeto." Nawala ang tawa niya at namutla, balak pa nga magtago sa shirt ng boy niya.

"Ay broken pala... sorry, ate! Hayaan mo na 'yon, marami pa naman dyang iba at saka maganda ka naman kaya 'wag mo sayangin luha mo sa maling tao!"

"O---kay?" Kalaunan, nagpaalam na rin ako.

Baka pa mastress ako lalo sa mga katulad nilang mas masahol pa sa asukal. Cringey!

The blue skies were currently turning into dark as the evening nearly came. Kaya isa-isa na ring binubuksan ang bawat ilaw ng mga poste. Inihinto ko ang sasakyan dahil inabutan ako ng traffic sa kahabaan ng Edsa. I have realized that maybe I should go home tonight. Malay ko bang namimiss na pala ako ni Mommy o 'di kaya'y no'ng isang araw pa hinahanap.

I chuckled all by myself."Silly me. Kaya nga siguro ako nasasaktan kasi masyado akong assuming. Letse.." Red lights reflected through my eyes as I stared at it.

Kinuha ko ang phone para tawagan si Ria. Isang beses lang nagring at sinagot niya kaagad. Narinig ko pa ang boses nina Tita sa kabilang linya.

"Ri, I have decided already. Uuwi na ako.." deretsahan kong wika.

"Ano?!" Nailayo ko ang phone sa tenga dahil pakiramdam ko tatalsik ang eardrums ko doon.

"Cha, bakit pa? Pwede ka namang mag-stay nalang rito sa amin. Wala namang magagalit. Asa ka pang hinahanap ka nina Tita Roxanne, e kung hinahanap ka nila e 'di sana pinuntahan ka na rito sa amin no'ng isang araw pa! Sorry, mare, ah, pero nagsasabi lang ako ng totoo."

I nodded, as if she's seeing me."I know naman... it's just that.. kahit pa ayos lang sa inyo na dyan ako manatili, for me, nakakahiya parin. Syempre meron parin tayong kan'ya-kanyang buhay, yes, we're bestfriends pero hindi naman yata tamang sa 'yo nalang ako palagi umasa.." nawalan siya ng imik.

Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon