Kabanata 31

3.2K 81 3
                                    

Kabanata 31

Dahil nakakaburyo manatili mag-isa sa resthouse, napagdesisyunan kong bumaba at maglakad-lakad. I changed my clothes into a beachwear but not literally, I mean, I didn't wear something revealing not that I'm uncomfortable, hindi pa naman ako magsiswimming kaya fitted sleeveless at maong shorts lang ang gimik ko ngayon na pinatungan ng sedang  scarf.

"O' dine, dine! Huwag muna bulwasin ang inyong mga huli at paghahati-hatian pa iyan! Dadalawang banyera nga laang!"

My forehead creased as I've heard that unfamiliar accent. Lumingon ako sa gawing kaliwa habang hawak ang dslr camera at nakita ang mga mangingisda na nagsibaba sa kani-kanilang mga bangka. Ang nagsasalita ay iyong lalaking balbas sarado. I'm concluding he's probably the owner of one of the boats there.

They were noisy and I can't understand some words they keep on saying. But I have a hunch that probably it's their town's accent. Gayunpaman, mas pinili kong lumapit sa kanila. Nagsisilapitan na rin pati ang ilang babaeng nakasaya, marahil ay sila ang mga asawa.

"Uh.. ano pong ginagawa ninyo, mga kuya?" Napatigil sila nang magtanong ako.

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. They are looking at me like I'm some alien recently landed in front of them. Bigla akong naconcious. Mygod, bakit pa kasi ako nagtanong.

"Ah, nagbabahagi kami ng mga huli, ineng. Bago ka ba rito? Bakasyonista?" The bearded man said. I nodded awkwardly.

"Opo, nagbabakasyon. Tatlong linggo lang naman ho.."

"Siguro taga-maynila ka 'no?" Untag naman no'ng isang lalaking may hawak na ng plastic na may lamang isda.

I nodded again."Oho.."

"Sabi na, e. Sa kinis na iyan at ganda pa. Model ka ba, neng?" Tanong naman no'ng babaeng gupit syete ang buhok.

Umiling ako habang natatawa.

"Hindi po ako model. Simpleng accountant lang ho sa isang kumpanya.." their eyes widened.

"Accountant? Aba'y hindi ga't malaki ang nakukuhang pera sa ganoon? Ang alam kong accountant, e, taga hawak ng pera!" She exclaimed. Nagsitanguan ang mga kumare niya.

"Oo nga, iyong anak ko nga ay pinapakuha ko ng kursong accountant! Ayaw naman ni ulaga at mahirap daw!"

"Ay sadya ka! Ang gusto ay iyong papetiks-petiks laang, aba may susuwelduhin ga naman kapag gay-on?"

At nagbahagi na nga sila ng kan'ya-kan'yang opinyon sa isa't-isa. I just smiled, watching them talking comfortably to each other. Bumalik na muli sa pagbabahaging ginagawa ang mga nangisda kanina. I feel like all of this are so much strange for me. Hindi naman kataka-taka na ganito ang pamumuhay nila. Iba nga lang sa pakiramdam ang direktang masaksihan ang ganitong tagpo. They are living at the exclusive island so it's already given that their sources of food mostly coming from the sea.

Nagpatuloy ako sa pag-iikot, kinuhanan ko ng litrato bawat magagandang tanawin sa lugar. Grabe na ang init kaya isinuot ko na rin ang summer hat pati aviator. I took a picture of myself, smiling while holding the hat. May lumapit sa akin na babae, nakaswimsuit rin siya.

"Hi! Want me to take a shots of you?" She offered with a friendly smile.

"Me?" Itinuro ko pa ang sarili. She nodded happily. Napangiwi ako at nag-aalinlangan man, ibinigay ko parin ang camera."Here,"

She giggled as she accepted it.

"Whole body or just a half?"

"Just a half, please. Thank you!"

Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon