Kabanata 45
"Ate Loriel? Ikaw... ba talaga 'yan?" Tanong ko habang tulak-tulak ni Kiel na tahimik lamang.
Mahinhing tumawa si ate, she's currently walking along us towards outside the hospital. She said she want us to talk. At first, Kiel disagreed and I already expected it. Wala siyang kaamor-amor dito kaya naiintindihan ko kung gusto niyang iwasan namin ito pero gusto kong malinawan. Gusto kong malaman kung ang kapatid ko nga ba ang kasama naming ito.. kung magaling na ba ito...
Sa huli, ako na naman ang nasunod. Kiel has no choice but to agreed with me.
"This is really me. Come on, Chantal. Why are you asking that? Hindi ka parin ba makapaniwala na kaharap mo na ulit ang ate mo?" She smiled radiantly.
Even her smile.. it's not creepy anymore like what I have seen when my last encounter with her happened. Mukha na nga itong magaling... bumalik na din sa dati ang magandang kurba ng katawan nito hindi tulad noong nasa mental institution pa ito na sobrang laki ng nabawas sa timbang.
Saglit akong nawalan ng imik nang makalabas na kaming tuluyan sa pasilidad at nakarating sa may likod sa nagsisilbing garden ng ospital. May mangilan-ngilang pasyente ang naroon, ipinapasyal ng kanilang mga kamag-anak. Maaliwalas ang kapaligiran at hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw dahil maghahapon na.
"Okay, maybe I should just make things straight.." she sighed and held the chain of her sling bag."I.. I-I'm sorry for dragging you on my own mess... I'm sorry, Chacha..."
she stared at me sincerely.
Napanganga ako at natigilan. Totoo ba 'yon? Tinawag niya ako sa nickname na siya lang ang tumatawag sa akin noong mga bata pa kami... noong magkalaro pa at sobrang close sa isa't-isa. Mga panahon na wala pa kaming alam sa katotohanan... mga oras na hindi kami mapaghiwalay.
"Sorry kung nadamay ka pa sa kalat na nagawa ko... I'm sorry nasaktan kita.. sorry kung naging pabigat ako sa 'yo.. k-kung dahil sa akin, nasaktan ka nina mommy.. at nagkasakitan kayo ng lalaking mahal mo..." she looked up to Kiel and I don't know what's the reaction of the latter.
"I remembered already.. I remember everything I have done to you, sis. I'm so.. so sorry.." nagsimulang mamula ang kaniyang ilong."Maiintindihan ko kung hanggang ngayon galit ka parin sa akin at h-hindi mo ako mapapatawad.. I understand, Chacha... Ate can understand.." ngumiti siya sa akin pero hindi umabot sa mga mata niya.
My heart clenched. Parang pinipihit ang puso ko habang nakatingala sa kaniya. Marami siyang nagawang kasalanan... naging masama siya sa ibang tao para lamang sa sarili niyang kagustuhan... she even used me to get rid of the people she have hurt first.
But nobody's perfect and everybody can do wrongful things and the most important part is that they realized what they have done.. they learned to forgive themselves and ask forgiveness from the people they did something wrong.
Hinagilap ko ang kamay ni ate, bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat.
"Lahat ng tao nagkakamali.. ang mahalaga ay ang natuto at nagawang magbago. Tao lang din naman ako, walang sinumang perpekto at kahit gaano mo pa ako nasaktan, kapatid parin kita.. kahit sa kalahating dugo lang.. magkapatid parin tayo kaya pinapatawad na kita, ate. You're forgiven, I know you already had enough.. you have already paid all what you did to the Vanhougers.. to me and to to all people you have hurt.." I smiled even my lips were trembling.
Her face softened. Hinawakan niya pabalik ang mga kamay ko saka siya umupo para magpantay kami. I didn't forgive her because she said sorry, I forgive her because she said those words full of sincerity.
BINABASA MO ANG
Seducing The Playboy Billionaire (Billionaire Clan Series #2)
RomanceEvery night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but behind that traits is her seductive and naughty aura that any men species could fall for. So she use...