Chapter #7

586 37 16
                                    

                   = Rhexyl's P.O.V =

Maaga akong nagising, 5:30 am pa lang ay nagmulat na ang mga mata ko. Bumangon agad ako and do a yoga exercise. 30 minutes din akong nag-yoga pagkatapos, pahinga ng kaunti then naligo na.

Pagkabihis ko ng usual clothes ko. Muli akong sumulyap sa orasan, maaga pa kaya makapaghahanda pa ako ng breakfast.

Binuksan ko muna ang kurtina. Pagkahawi ko, I saw Sylvester in his terrace. Naka-upo siya habang busy sa pagtitipa ng laptop with his serious face.

Tumaas ang dulo ng kilay ko. Bakit ngayon ko lang nalaman na magkatapat pala kami ng dorm room? Napatitig ako sa kaniya. Nakasuot rin siya ng black glasses pero hindi kagaya ng akin. He looks like a professional and genius. He look so handsome while sipping on his coffee cup.

Wait? Why I am staring at him? Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Lumabas na lang ako ng kuwarto at tinungo ang kusina. Magtitingin ako ng puwedeng magawang almusal.

Pagbukas ko ng Refrigerator, kusang tumaas ang kilay ko. Nagre-reproduce ba ng mag-isa ang lahat ng nakalagay sa refrigerator?

As I remember, kunti na lang ang laman nito. Nag-grocery ba ako ng tulog? Para hindi maalala na nilagyan ko ulit siya? Punong-puno na kasi siya ulit.

Kahit nagtataka, kumuha ako ng fresh milk at gumawa ng sandwich. I start to eat my simple breakfast. Napatingin ako sa phone kong tumunog, kinuha ko ito. Kinalikot ng kaunti tapos balik ulit sa table. Napa-iling ako, ang kulit talaga.

Pagkatapos ko, nilinis at hinugasan ko ang pinagkainan ko.

Buntong hininga akong muling pumasok sa kuwarto. Binuksan ang wardrobe at saka kinuha ang kinaiinisan kong suotin, ang uniform ng mga newbie.

Inilapag ko ito sa kama. Nakapamaywangan akong nakipagtitigan sa damit.

The f*ck is this!

Sa itsura pa lang mukha ng fitted ito at maiksi. Ito ang problema ko kagabi pa. Kahit sa pagtulog ko ay nakikipagdigma ako sa damit na 'to. Buwesit kasing mga Reperian na yan. Isama mo na rin ang impaktong Sylvester na 'yon.

Habang nasa loob ako ng detention room naisipan kong bakit hindi ko subukang alamin ang patakaran dito? Baka masipa na talaga ako palabas ng paaralang ito.

Nakababanas ang putchaaa!

Inis kong hinablot ang uniform, pumasok sa banyo upang masuot na ang walanghiyang damit na ito at ng matapos na.

Pagkalabas ko, agad akong humarap sa salamin. Amputcha! 'Di bagay sa akin, labas na labas ang kaitiman ko. Ang skirt naman ay above the knee ang haba, fitted din ang upper clothes, mukha siyang fitted crop top ang style na kulay plain na black na may imprinted na U.D.M na color gold na may red.

Parang gusto ko yatang magbalot ng katawan kaysa dito sa mukhang nabilad sa araw na ewan. Mukha akong sunog na pinirito, basta! Naiinis ako.

Sinuot ko ang black boots na hanggang anckle lang ang haba. Inayos ko rin ang pagkakasuot nang makapal kong salamin.

I grab my bag and leave. Pagkalabas ko, gusto ko muling pumasok sa loob. I swear! Isinusumpa ko ang araw na 'to.

Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating at makapasok agad sa elevator na hindi ako napapansin.

Pusang gala talaga!

Patakbo akong lumabas ng dorm building maging papuntang campus, kulang na lang liparin ko na makarating lang agad ako sa classroom.

Pagkasakay ko sa glass elevator, sumiksik agad ako sa tabi. Isa pa 'tong elavator na 'to! Kitang-kita lahat. Panay ang baba ko sa skirt. Gusto kong maiyak sa inis.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon