Thirdperson's P.O.V
Mga seryoso nilang pinapanood ang nangyayari sa loob ng process. Kukunti na lang ang natitira sa mga students.
Pero lahat sila ay nakukutok kay Rhexyl dahil batid nilang mayroon ng alam si Rhexyl sa nangyayari.
Alam nito na mayr'ong nanonood sa kanila. Ilang beses itong tumingin sa camera na tila nang-aasar.
Maging ang pagreklamo nito ay naririnig nila o sadyang pinaparinig sa kanila, na siya namang ikinatawa ng husto ng Dean.
Mariin na nakatitig si Claudia sa screen.
'That girl is not stupid. I didn't expect that. I thought she is easy to manipulate.' ani ni Claudia sa kanyang isip.
Bumaling siya kay Sylvester na hindi man lang nawala ang atensiyon sa screen. Hindi nawala ang nito kay Rhexyl. Nakikita pa ni Claudia na ngumingiti ito na hindi niya nagagawa.
Ibinalik ni Claudia ang kanyang tingin sa screen.
Sa kabilang dako naman -----
Kasalukuyang hinaharap ni Rhexyl ang malaking taong ngayon niya lang nakaharap.
Ang taong ito ay mayroong malabakal ang tigas na pangangatawan. Walang nakakatalo rito. Makikita mo lamang ang taong ito sa loob ng Death Forest ngunit ngayon ay naatasan siyang humarap sa mga babaeng hinaharap ang process. Babae ang lakas nito. Ginaganahan siyang makipaglaban kapag babae ang kaharap niya.
Lalo pa kapag maganda ito. Ang kanyang sandata ay mayroong bigat na aabot sa isang daang kilo. Isa itong bilog na maraming mga nakatusok. Mayroon itong kadenang nakakonek sa bilog na iyon.
Isang hampas lang nito ay wala ka ng kawala. Hindi ka lang nito matutusok, madudurog ka pa dahil sa bigat nito.
Hindi lang iyon, sa kabilang side nito ay ang dalawang asong namumula ang matang nakatingin sa kanya habang naglalaway. Kulay itim ang mga ito.
Mabilis na tumatakbo habang iniiwasan ni Rhexyl ang hinahampas sa kanyang sandata ng kalaban niya. Ang bawat madapuan nito ay nawawasak.
Hindi siya pwedeng mahagip ng matatalim na bagay sa sandata nito. Kita ni Rhexyl ang kamay na nakatusok pa rin dito. Maging ang mga bakas ng dugo na nadurog na nito.
Batid niyang ang higanteng kaharap niya umiikot habang naghahanap ng bibiktimahin.
Walang magawa si Rhexyl kundi ang umilag, lumayo at tumakbo. Hinahabol siya ng dalawang asong napakabilis.
Nakatuon ang atensiyon niya sa sandata ng kalaban maging sa asong humahabol sa kanya.
Kinuha niya ang pen niya at ginawang rapier sword.
Tumingin siya sa likuran niya at sa harap. Binilisan niya ang takbo nang marating niya ang pader. Buong lakas siyang tumapak rito at sinalubong ang asong humahabol sa kanya.
Malakas siyang bumagsak at tumilapon. Agad siyang bumangon at tiningnan ang aso. Napangiti siya dahil nahati niya ang isang aso.
Mabilis siyang tumayo. Napalingon siya sa higante at nagulat na palapit sa kanya ang sandata nito. Agad siyang tumalon upang iwasan ito.
Sa pagbagsak niya ay hindi niya inakala na tatalunin siya ng isa pang aso. Muntik na siya nitong sakmalin buti na lang mabilis niyang naiharang ang rapier niya.
Nanlaki ang mata niyang makita ang sandata nitong malapit ng bumagsak sa kanya. Agad niyang naibato ang aso.
Napa-ubo siya at napalingon sa sandata nitong nakabaon. Nakita niya ang fresh na dugong narito. Nasa ilalim nito ang asong sasakmal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
ActionRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...
