Rhexyl's P.O.VI slightly touch ang malambot na hinihigaan ko and to know where I am. I feel weird kasi, ang lambot and warm ng hinihigaan ko. I feel my body is laying in a flat bed or something. Naalala ko nakatulog ako sa passengers seat.
Marahan kong iminulat ang aking mata. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng isang ----- room?
Bumangon ako sa pagkakahiga.
Di we arrived already? Nandito na ba kami sa Brgy. Maligaya? Bakit hindi ginising ni Sylvester?
Tumayo ako at marahang lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko alam mo kaagad na maraming tao kasi rinig ko ang mga boses nila.
Luminga-linga ako sa paligid to find Sylvester.
"She's pretty," rinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya habang dinaanan lang ako.
Sinundan ko ang kanilang dinaanan. Pababa sila ng hagdan kaya bumaba rin ako. Mas lumakas ang ingay na naririnig ko.
"Sylvester! Who's that bitch? Dinala mo pa talaga rito." Rinig kong malakas na reklamo ng isang babae.
"Don't be childish, Zyne!" Saway sa kanya ng medyo may edad na.
Hindi ko pa sila nakikita but I can tell their ages through their voices.
"Mommy!" inis na wika 'nung tinawag na Zayne.
Marahan akong bumaba ng hagdan saka marahan na lumabas at nagpakita na dapat hindi ko na lang ginawa.
Lahat kasi ng mata nasa akin maging ng iba pang nandito. Nailang ako bigla, mga nakanganga kasi 'yung iba.
"Hindi na ako magugulat kong girlfriend 'yan ni Sylvester, ang ganda niya!" rinig kong bulong sa tabi.
"Mas maganda pa kay Zayne. Walang panama, talong-talo sa ganda si Zayne." ganting bulong 'nung isa.
Ay sh*t! I'm not in a disguised pala ngayon. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili ko na lamang itago ang totoo kong mukha. Nakakainis kasi ang iba kung makapagpuri.
Kasalanan ko bang maladyosa ang kagandahan ko. Hmp!
Nakita ko si Sylvester, nakaupo sa one seater sofa. Wala akong makitang space sa kanila. Occupy nilang lahat.
Napansin kong nandito ang Disciplinary ng Der Mord na si Mrs. Dahlia Connel. This is my second time na nag-meet kami. She's staring at me, maybe thinking of who I am.
"Halika rito, iha." magiliw na wika sa'kin ng ginang.
"Mom! H'wag ka ngang maging mabait sa kanya." suway sa kanya ni Zayne.
"Ssshhh! Mag-behave ka nga. She is our visitor kaya dapat maging maganda ang approach natin sa kanya." suway naman ng ginang.
Hahakbang na sana ako ng mayr'on akong maramdaman na paparating sa'kin.
"Elixter!" sigaw ni Mrs. Connel.
Hindi ako lumingon, hinayaan kong lumapit ito sa'kin saka ko sinalo. Nilingon ko ang pinagmulan ng dagger na hawak ko.
Tiningnan ko ang dagger at ekspertong nilaro ito sa daliri ko. Muli akong sumulyap sa taong bumato sa'kin ng dagger.
A young guy standing near the door of the house. Medyo hawig niya si Sylvester. Malamig siyang nakatingin sa'kin. I'm guessing, he is Sylvester's younger brother.
"Don't play in a public with this kind of weapon, little guy." ani ko sa kanya.
Lumapit ako kay Sylvester at ibinigay ang dagger sa kanya.
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
БоевикRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...