Chapter #19

533 32 2
                                    


Rhexyl's P.O.V

Kasalukuyan akong nakatunganga habang nasa labas ang paningin ko. Nababagot na ako gusto ko ng makalabas sa kwartong ito. Nakakabagot din ang nagtuturo.

Wala ang buong VBLOOD members, hindi ko alam kung saang sulok na naman sila lumusot.

And I'm so happy kasi finally nawala na ang tinik sa dinaraanan ko. I successfully get rid them both, Zandra and Crelly.

Ang nakakainis pa, kanina pa ako nanggigil at nagtitimpi sa mga mata nilang malalagkit kung tumingin. Hindi lang ako in disguise ngayon at naka-proper uniform ako.

Nasa natural look ako. Tinamad kasi ako kaninang umaga maglagay tapos late na rin kaya hinayaan ko na. And why would I need to hide myself. I'm not a criminal, killer pa oo, pero criminal, duh!

At saka, hindi ko naman sila papaslangin without a reason. Kung lalayo sila sa'kin at hindi guguluhin we're good, pero kung haharang sila sa dinadaanan sorry to say but agad nilang makakaharap si kamatayan.

"Miss, Your.Not.Listening!" Napalingon ako nagsalita.

Tumambad sa'kin ang namumula at umuusok ang ilong sa galit.

"Obviously," bagot kong sagot sa kanya. Binigyan ko rin siya ng isang mapang-asar look.

Pumikit siya ng mariin. Nagtimpi pa, dapat nilabas niya na.

"Hindi ka naman nandito sa harap ko kung nakikinig ako." walang emosiyon kong sabi.

"GET OUT!" galit na galit niyang bulyaw.

Ayan bumuga na ng apoy. Hindi na nakayanan.

I smirk! Nakangiti akong tumayo habang nakataas ang dalawa kong kamay as signing of surrendering.

"Easy Prof, no need to shout. Lalabas na po ako 'yan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo." nakangiti kong sabi.

Kinuha ko ang aking bag.

"Thanks for making me out. Your class is boring, and I have a reason why I'm not inside to your class. Bye-bye!" nakangisi kong sabi.

Nakangiti akong lumabas ng classroom. Sumakay ako ng glass elevator. Balak ko kasing magpahangin sa garden. 'Dun na lang ako magpapalipas ng oras.

Magiging tahimik ang aking pamamalagi roon dahil wala ng mga asungot.

Pagbukas ng glass elevator lumabas na agad ako. Mayr'on akong nakikitang mangilan-ngilang mga Der Mord Students at mga Der Mord Lovers na siyang ikinangiwi ko ng husto.

Pagkarating ko ng garden, binagsak ko ang bag ko sa carabao grass at saka naupo na rin. Tiningnan ko ang buong paligid, napangiti ako. Ang ganda talaga rito pumunta. Bukod sa magagandang bulaklak, sariwa pa ang hangin.

Hindi mo akalain na may'rong ganito sa lugar na ito. Sometimes, I wondering ano nga ba talaga ang meron sa Der Mord University. Marangyang paaralan pero pwede kang pumatay.

Pabagsak akong humiga at napatitig sa kalangitan. 'Kay sarap mabuhay sa lugar na ito dahil sa karangyaan pero hindi ka mapapanatag dahil anumang oras pwede ka ring mamatay.

Hayyy! Bakit ko pinoproblema ang paaralang ito. Aalis rin ako rito after my mission.

Wala rin si Sylvester. Speaking of him, ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Busy na naman siguro, or kung nasaang sulok na naman.

Marahan kong ipinikit ang aking mata. Pero sa ngayon, kailangan kong makalabas muna ng Der Mord. Death Anniversary bukas ni grandma. I need to visit her. Mamaya na ako iisip ng paraan kung paano makakalabas ng panandalian.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon