= Rhexyl P.O.V =
Mabilis akong tumatakbo papuntang school campus. Kagigising ko pa lang but when I know na hindi ka excuse sa klase kahit nakahilata ka na sa hospital. Nagpaalam na kaagad ako at kumaripas na ng takbo papuntang dorm to get my things. I'm super late na!
Habol hininga akong huminto muna sa tapat ng classroom ng Top Section.
Huminga ako nang malalim ng makita kong pabukas na ang pinto.Kaagad akong pumasok. Tumagilid ako to avoid the knife.
"G-Good morning, Sir!" bati ko sa taong nasa harapan.
Lahat ng atensiyon nila ay nabaling sa'kin.
"Why are you late, Ms. Salvez?" he asked.
"Ahmm, I just woke up late." sagot ko.
"Pinakaayoko sa lahat ay ang nalalate sa klase ko." saad niya,
Pasimple akong bumaling sa kanang direksiyon.
"I don't know, hindi pa tayo nagkikita." mahinang bulong ko.
Gusto ko ng maupo sa upuan ko.
"As your punishment ---" Napalingon ako sa kaniya when I heard that.
"Punishment? For what?" tanong ko.
Great! Just great! Nasa hospital ako for almost one week. Ngayon kasalanan ko pa? Anong gusto niya? Magbunot ako ng damo?
Umupo siya sa side ng table.
"Stay where you are, stand straight." he continued.
Nagtaka naman ako. Anong plano niya?
"Everyone! Shoot her using your knives. Ang bawat tama niyo sa kaniya ay ang inyong magiging score for your quiz today." wika niya,
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya? What the!
"Beat the highest score as far as you can." nakangiting wika niya sa kaniyang studyante.
I'll be there a human board? Nakita ko ang paglabas ng kanilang mga knives, daggers, swift knife etc. Nagsitayuan ang balahibo ko sa klase ng kanilang ngiti.
Seryoso? As in? Lumingon ako kay prof. Wala siyang pakialam.
"You can start now." pagbibigay niya ng hudyat.
Napahakbang ako paatras. Napapikit na lamang ako sa paparating na dagger.
Goodbye life! Grandma see you in heaven.
Habang nakapikit ako, nagtataka ako kung bakit wala akong nararamdaman na sakit o anuman. Marahan kong iminulat ang mata ko. Nagulat ako sa kamay na may hawak ng dagger, kung hindi siya naagapan sa puso ko ang tama.
Agad akong napalingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng si Sylvester pala ang may ari ng kamay na 'yon. He looks more dangerous but calm. Kalmado niyang tiningnan ang hawak niyang dagger.
"Mr. David, I respected you as our professor but once you touch my property. You know what I can do, right? I can turn you into nothing." sambit nito without looking to Mr. Professor don't know name.
"M-Mr. Connel!" bakas ang takot sa kaniyang mukha.
Hindi ko maiwasan na hindi mapataas ang kilay ko. Kanina akala mo kung sino.
"Herayah," Rinig kong banggit ni Sylvester.
Mayr'on akong nakitang mabilis na tumayo. Seryoso siyang nakatingin kay Sylvester pero amoy pa rin ang takot sa kaniya.
Galing magtago ng takot.
"Come here, stand where Ms. Salvez is." utos ni Sylvester.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Sylvester sa kamay ko saka marahan niya akong inalis sa kinatatayuan ko. Inilagay niya ako sa kaniyang tabi.

BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
БоевикRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...