Chapter #29

428 24 1
                                    


                     Rhexyl's P.O.V

Pagkalabas ko sa office na 'yun. Kinalma ko ang aking sarili.

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!
Argh!

Teka! Bakit ba ako naiinis?

Habang naiinis ako napansin ko ang isang pigurang makakasalubong ko.
Babalewalain ko sana siya pero nagulat ako ng makilala ko siya. Nahinto ako sa paglalakad. Huminto rin siya sa tapat ko at nagbigay galang na madalas niyang ginagawa sa'kin.

Napaharap ako sa likuran ng lagpasan niya ako.

"Sandali," pigil na tawag ko sa kanya.

Humarap naman siya sa'kin. Tinitigan ko ang kanyang mukha.

"Maria, where are you?" Napalingon ako sa boses ng tumawag sa'kin.

Napangiti ako dahil kilala ko siya. Agad kong nilapag ang hawak kong libro at dali-daling lumabas upang magpakita sa kanya.

"Grandma, I'm here." masaya kong sambit at niyakap siya.

"Ow! My dear apo." ngiti niyang ani at yumakap rin sa'kin.

"Mayr'on akong ipapakilala sa iyo." Napabitaw ako ng yakap sa kanya.

"Hmm, who is it, grandma?" excited kong tanong.

Tumayo si Grandma at hinarap sa'kin ang isang lalaki.

"He is Rence Cruz. Magiging butler mo siya simula ngayon. At Rence, siya naman ang aking apo, si Maria." pagpapakilala niya sa'kin.

Magiliw akong humarap sa kanya.

"Hello po, kinagagalak po kitang makilala. Pwede po ba kitang maging kaibigan? Laro po tayo." Hinila ko na siya at hindi na hinintay pang makapagsalita.

*******

"Butler Rence, marunong ka po bang gumamit nito?" Tukoy ko sa hawak kong bow at arrow.

"P'wede niyo po ba akong turuan?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, halika ka." Nakangiti akong lumapit sa kanya.

Tinuruan niya akong matuto mag-archery. Araw-araw 'yun lang ang ginagawa namin.

*******

"No! Grandpa, don't burn it. Please!" pagmamakaawa ko kay grandpa.

Hindi siya nakinig sa'kin. Kinuha niya ang bow at arrow saka tinapon sa apoy.

"Butler Rence, wala na. Sinunog niya ang bow at arrow ko." sumbong ko sa kanya habang walang tigil na umiiyak.

"Shhh! Tahan na, we can have it again. Don't cry na. Hmm?" pagpapatahan niya sa'kin.

*****

"Butler Rence," tawag ko sa kanya.

Nasa loob ako ngayon ng selda habang siya ay nasa labas.

"Hmmm," sagot niya.

"Will you promise to me that you won't tell this to grandma. Please, ayaw ko siyang mag-alala sa'kin. Ayaw ko rin na mag-away sila ulit ni grandpa. Promise me Butler Rence." Tiningnan ko siya sa mata.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon