Chapter #18

1.9K 46 0
                                        


                        Breeze P.O.V

"Hey! What are you doing? Bakit mo sinusunog 'yan?" Aljhune asked.

Sinusunog ko ang papel na mayr'ong drawing ng tattoo o marka.

"Nothing, it's useless." sagot ko.

Kailangan ko na itong burahin. Wala rin akong napala sa pagpa-investiga sa pagkamatay ni Helaria. Tinuturo nito na nagpakamatay talaga si Helaria.

"I don't get this mark. Bakit kailangan niya pang ibigay 'yan? For what? Who the hell give you that thing?" curious niyang tanong.

Kahit ako hindi ko alam. I don't know who is she. Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Isa pa, nahanap ko na kung nakanino ang tattoo.

I saw it to Crelly.

Ang hindi ko maintindihan, paano niya nalaman ang tungkol sa'min ni Helaria.

"Kaaway mo ba siya, Breeze? Or what?" muling tanong ni Aljhune.

"I don't know. Hindi ko siya kilala. Hindi ko na rin siya ulit nakita pa." sagot ko sa kanya.

"Hayss! Forget about it. Patay na girlfriend mo, wala ka na 'dun magagawa pa. Hindi mo na maibabalik ang buhay niya." sabat ni Freo

Hindi ako umimik. Tinitigan ko ang papel hanggang sa maging abo ito.

"Let's drink, para mawala 'yang pighati mong nararamdaman." sabi ni Aljhune saka nag-akbay sa'kin.

Sabay na tumayo sina Freo at Aljhune.

"Yeah, alak lang ang kulang sa'yo. Mawawala rin 'yan." segunda ni Freo.

Napailing ako sa kanila. Tsk! Porket mga walang girlfriend kaya ganyan kung umasta.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Wala rin akong mapapala kung magmumukmuk ako sa tabi.

Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan. Isa sa pinagbabawal dito ay ang ipakita sa iba ang iyong kahinaan.

Pagkalabas namin ng dorm building, nakasalubong namin ang VBlood Gang with Rhexyl.

Hindi man lang sumulyap sa'min si Rhexyl. Parang isang hangin lang ako ng lagpasan niya. Nakita ko rin ang pagsunod ng tingin ni Aljhune kay Rhexyl.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata pero panandalian lang 'yun dahil agad niyang tinago sa pamamagitan ng pakikipagkulitan kay Freo.

Mapait akong napangiti.

Nagkamali sina grandpa sa kanya. Hindi siya mahina o sagabal. She's damn good in fighting. Her strategy is a rare technique.

Sa itsura niya mukha siyang lampa at mahina. Hindi kayang makipaglaban pero mali ako, kaming lahat. Pinatunayan niya sa kanilang test na kaya niyang makipagsabayan sa'min.

She deserves to be one our clan, but I hope na-realiaze nila iyon.

Pagkarating namin sa D - BAR, agad na nag-order na maiinom si Freo. Tahimik akong umupo sa couch. Sa paglibot ng aking tingin sa buong lugar. Mayr'on akong nakita. I saw her again the girl in a black hood.

"Here's your drink." Napalingon ako kay Freo at sa inilapag niyang beer.

Dali kong ibinalik ang tingin ko sa kanya, pero bigla siyang nawala. Kumunot ang aking noo. Namalikmata lang ba ako.

Agad kong kinuha ang beer at ininum agad.

Sa 'di kalayuan naman. Nakita ko si Crelly together with her friends.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon