Chapter #13

913 28 1
                                    


                  Thirdperson's P.O.V

Umabot hanggang sumikat ang araw ang pagsusulit. Lahat ng mga elders ay humanga sa angking galing ng mga baguhan. Lalo na sa pinakitang husay at bilis ng isang baguhan na hindi nila nakita ang itsura o mukha nito.

Ngunit hindi lahat pinalad na makapasok dahil ang ilan sa kanila ay nasawi.

"Congratulations! Maria Aljea Rhexyl Salvez and Crelly Anastasia Mc'nnel for passing the test." Pag-aanunsiyo na kumalat sa buong Der Mord Campus.

Nasaksihan ng lahat ang pinakitang husay ni Rhexyl ngunit hindi nila alam na siya ang babaeng naka-hood. Ang babaeng nakatago ang mukha kaya lahat sila ay nahihiwagaan sa kanya habang siya ay nasa loob ng Death Dark Forest.

Samantala, hindi malaman ni Rhena ang kaniyang nararamdaman patungkol sa dalagang anak niyang kinamumuhian niya ng buong puso. Bigla siyang nalito ngunit alam niyang mas nanaig ang pagkamuhi niya sa dalaga.

Ganoon pa man, hindi niya nakita ang anak niyang nasa loob nito. Tanging isang misteryosong babae lamang ang kanilang nakikita. Ngunit hindi mawala ang tingin nito rito. Hindi niya maitatanggi na ang husay nito. Hindi niya akalain na may tinatago rin itong husay sa pakikipaglaban. Tanda niya ang bawat galaw at kilos nito na halos magkapareho sila.


Sa kaniyang puso, ninanais nito na makilala ang dalagang iyon.

Sa ibang dako naman,

"Master," ani ng kaniyang tauhan.

Taimtim niyang pinagmamasdan ang isang babae sa larawan. Babaeng handa niyang protektahan at mahal na mahal niya ng higit pa sa buhay niya.

Babaeng napakaganda, maamo sa unang tingin ngunit alam niyang mayroong tinatago.

"Keep an eye on her. Make sure she is safe wherever she goes." utos niya sa kaniyang tauhan.

"Yes, master." Nagbigay ng paggalang ang kaniyang tauhan sa kaniya bago tuluyan itong umalis.

"I gave you a choice not to be in here. I gave you a hint, but you still chose to enter my world." ani niya,

Sa kabilang banda naman na kinaroroonan ni Rhexyl.

Matapos nitong mawalan ng malay ay kaagad siyang dinala ni Sylvester sa Der Mord Hospital.

Rhexyl is now out of danger from the poison.

Kasalukuyan siyang binabantayan nina Acer at Briel pero sabay silang umalis saglit. Subalit hindi nila alam na mayr'ong nagbabantay sa labas na matagumpay namang nakapasok sa loob ng kuwarto ni Rhexyl.

Saglit na napatulala naman ang pumasok sa kaniyang nakita. Nagtaka  siya dahil iba ang nasa larawan sa actual na itsura ng kaniyang papaslangin.

Hindi niya mawari kung nagkamali ba siya ng napasukang kuwarto dahil sa pagdadalawang isip niya hindi niya namalayan na buhay niya na ang nasa peligro.

"Who commands you to be here?" Naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan.

"Kill me." matapang niyang sagot.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon