Chapter #1

6.2K 138 123
                                        

                  = Rhexyl's P.O.V =

Pagkatapos kong masuot ang thick black glasses ko, kinuha ko ang lumang bag na ginagamit ko, maging ang mga libro na lagi kong dala papuntang school ay kinuha ko na rin. After checking my self again, lumabas na ako ng kuwarto. Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Yaya na kalalabas pa lang din sa kusina.

"Ya, alis na po ako." magalang kong paalam.

Tumingin siya sa akin.

"Aalis ka na? Mag-almusal ka na muna." sabi ni yaya.

Lumapit ako sa mesa, everything is prepared for my breakfast. Napangiti ako, makakatanggi pa ba ako? Umupo ako at agad ng nagsimulang kumain.

"Late ka na sa klase mo. Anong oras ka ba natulog kagabi?" biglang tanong ni yaya.

"Maaga pa po sa maaga," sagot ko.

Wala naman silang magagawa. Gusto ko late akong papasok para wala akong makita, o makasalubong na bully. Gusto ko tahimik ang pagpasok ko.

Tumayo na ako dahil tapos na akong mag-almusal.

"Punta na po ako." paalam ko ulit kay yaya.

Tumango siya bilang sagot, kalaunan ay ngumiti siya.

"Mag-iingat ka, mag-iwas sa gulo." paalala niya.

Sumimangot ako, umiiwas na nga, e.

Pagkalabas ko sa gate. Ibinaba ko ang skateboard, saka sumakay dito at umalis na. Mahigit trenta minuto ang lumipas nang marating ko ang aming University.

Huminto ako sa tapat nito, sa bulok na school na pinapasukan ko. Wala naman akong choice kun'di ang pagtsagaan ito. Hindi ako mayaman para maging choosy pa, at saka dalawang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa kolehiyo.

Bitbit ang skateboard, lumapit ako sa gate para pumasok na pero --

"Hep! Hep! Iha, sino ka? Studyante ka ba rito?" pigil at pagtatanong niya.

Humarap ako kay manong guard, tiningnan ko siya ng mayroong pagkabagot.

"Ikaw na naman! Jusko, ikaw lang pala. Late ka na nga, ganiyan pa ang suot mo." inis niyang sambit.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Paalala ko lang sa iyo, iha. School ang pinupuntahan mo hindi tambayan." panenermon niya sa akin na hindi na bago sa aking pandinig.

"Nasaan ang I.D mo?" tanong niya habang salubong ang mga kilay niya.

Binuksan ko ang bag ko, hinalungkat ko ang loob searching for the i.d. Hindi ko siya agad nakita, kasi dala ko lahat ng basura ng bahay este kung ano-anong anik-anik ang nasa loob ng bag ko.

"Ano na? Dala mo ba? Aba'y! kapag wala ka pa ring dala hindi kita pahihintulutan na pumasok." lintanya niya, kunti na lang talaga bubuga na siya ng apoy, pulang-pula na ang kaniyang mukha sa inis.

"Alam mo bang marami ka ng nalabag na rules? Malapit ka ng ma-expelled sa paaralang ito." dagdag niya sa kaniyang sermon for today.

Mula ng pumasok ako sa paaralang ito, walang araw na wala akong naririnig na mga reklamo. Madalas na napupuna nila ang kasuotan ko. Ano bang mali sa suot ko? Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt na hanggang tuhod, rip jeans na maluwag, naka-rubber shoes na color black, nakasumbrero, tapos naka black thick eyeglasses. Damit pa rin naman ito. Bumuga siya ng apoy, kapag pumasok akong naka-swimsuit.

Isa pa, dito ako komportable. Sobrang iksi ng palda ng uniform nila hanggang hita ang haba. 'Yong iba naman kinapos na yata sa tela, kita na kasi ang bagay na 'di dapat makita ng mga kalalakihan.

Touch and Die (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon