Rhexyl's P.O.V
"No, please! Tama na po!" pagmamakaawa ko.
"Don't hurt her. Don't hurt my grandma." patuloy kong pagmamakaawa sa kanila.
"Manahimik kang bata ka!" Malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto.
"Don't! Enough! Don't hurt her." pakiusap ni grandma.
Sunod kong narinig ay ang malakas na tunog ng baril.
********
Napabalikwas ako ng bangon at agad akong tumingin sa paligid ko. Nang marealize kong nasa dorm ako, nakahinga ako nang maayos. Hinawakan ko ang aking ulo habang iniisip ko pa rin iyong eksenang nakita ko.
Darn it! I dream it again. Itinapak ko sa sahig ang aking mga paa. Sa aking pagtayo ay bigla akong napahawak sa tagiliran ko. Nakaramdam ako ng sakit at kirot mula rito. Dumako ang tingin ko rito. Nakita kong mayr'on na itong benda.
Napakunot ako ng noo nang makita kong mayr'on akong benda. What happened? Bakit ako nagkasugat?
Nawala ang pagkakunot-noo ko nang maalala kong nagkaroon pala kami ng one-on-one battle ni Zandra.
Did Sylvester clean my wounds?
Tsk! Walang gagawa n'yon bukod kay Sylvester. Siya lang ang tanging nakakapasok dito.
Wala akong nagawa kun'di ang bumalik nang dahan-dahan sa pagkakahiga. Marahan akong sumandal sa headboard.
Pagtingin ko sa wall clock, eleven pa lang ng gabi. Napabuntong hininga ako dahil hindi ako nito makakatulog ulit. That dream will keep hunting me again and again.
Dumako ang tingin ko sa cabinet na nasa right side ko. I have no choice but to take sleeping pills to have a good sleep without being bugged by that dream.
Binuksan ko ang drawer saka kinuha ang sleeping pills. Pagtingin ko sa baso, naubos na ang laman nito. Naiiling na tumayo ako, at mabilis na lumabas sa kuwarto para kumuha ng tubig na maiinom.
Nang makarating ako sa sala ay bigla akong nahinto nang makita ko si Sylvester na mahimbing na natutulog sa couch. Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa, palapit sa kaniya para siya ay silipin at mas makita ng malapitan.
Walang ingay akong umupo malapit sa kaniya. Napatitig ako sa mukha niyang walang kapintasan. Napasimangot ako, buti pa sa kaniya. Takot ang mga pimples na magpakita at kumapit sa mukha niya. Ang linis-linis kasi nito.
Why? Why all of the sudden, ang takot na naramdaman ko noon sa kaniya ay biglang nagwala? Hindi naman siya nagbago. Malamig pa rin siya makitungo.
Kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa kaniyang matangos na ilong. Napangiti ako, hinaplos ko ang kaniyang ilong hanggang marating ng dulo ng daliri ko ang tip ng ilong niya.
Bigla akong natauhan sa ginagawa ko kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa kaniya. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi dapat! hindi dapat ako makararamdam ng ganito sa kaniya. After all, I'm going to leave this place after I've done with my mission.
Tumayo na lamang ako at muling pumasok sa kuwarto. Kumuha ako ng kumot for him. Paalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang cellphone ko. Sumagi sa isip ko si yaya. Hindi ko pa pala siya nakaka-usap or natatawagan mula ng makapasok ako rito.
Umupo ako sa edge ng kama saka hinablot ang phone ko, at tinawagan siya. Ilang ring bago niya sinagot ang tawag ko.
"Ya, how are you?" nakangiti kong bungad na tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
ActionRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...
