Rhexyl's P.O.VI yawn secretly. Anong oras ba matatapos ang events na 'to? I wanna sleep! Kung pwede lang bang hilahin si Sylvester sa mga hurado, e. Nakasimangot na sumandal ako sa upuan. Nasa Q & A portion pa lang sila.
Napagawi ako sa bandang kanan ko. Nakita ko ang asawa ni Mayor tila nagpapaalam siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-alis siya. Muli akong humarap sa unahan. Kinuha ko ang phone ko. Kinakapa-kapa ko kung dala ko ba ang earphone ko.
"Aish!" inis kong ani.
Hindi ko dala, naiwan ko sa kwarto kanina. Nakahanda na iyon, e. Bakit ko nakalimutan na hablutin? Nakapatong 'yun sa malapit sa lampshade.
Tumayo ako at umalis. Hindi na ako nagpaalam kay Sylvester. Mabilis lang ako, babalik din agad ako.
Pagkarating ko sa bahay ni Mayor. Mayr'on agad akong napansin na kakaiba. Pinagmasdan ko ang buong lugar. Marahan akong naglakad patungo sa gate.
Pagpasok ko nakita kong nakahandusay ang bodyguard nila. Hindi lang iyon ang tahimik ng buong kapaligiran.
Humarap ako sa bahay.
Something is not good.
Marahan at walang ingay akong humakbang patungo sa pintong nakabukas.
Pagkalapit ko, sumilip ako sa loob.
"Kunin niyo lahat ng mahahalagang bagay!" sigaw ng lalaking naka-itim.
Sa malinaw na tawag, magnanakaw.
Mabilis na kumilos ang mga alipores niya.
Ang ilan sa mga kasama ni Ma'am Trina ay mga nakabulagta. Maging ang anak niyang si Zylan ay hawak ng isa sa mga alipores.
Sumandal ako sa pintuan, pinag-crossed ko ang aking kamay.
"Nasaan ang pera?" bulyaw na tanong ng leader na magnanakaw.
Mariing at umiiyak na umiling si Ma'am Trina.
"Wala kaming pera. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." mariing giit ni Ma'am Trina.
Malutong na sampal ang natanggap niya.
"Sinungaling! Mayor ang asawa mo. Marami siyang perang nakatago. At 'wag mo akong gawing TANGA!" mariing sigaw ni Leader.
Pumiglas si Zylan sa taong humahawak sa kanya.
"How dare you hurt my mother. You punk!" pagpupumiglas na ani ni Zylan.
Pumutok ang labi ni Ma'am Trina.
"Tell me, Where.is.it? Nasaan ang pera?" muling bulyaw ng magnanakaw.
Panay ang piglas ni Zylan, walang tigil rin siyang sinusuntok ng mga ito.
"Let go of her! Stop hurting my mother!" Sinusubukan niyang makawala.
Naglabas ng baril ang leader nila, kinasa ito at tinutok sa asawa ni Mayor.
"Boss, ito na lahat. Hindi namin mahanap kung saan nakatago ang pera ni Mayor." ani ng bagong babang alipores.
Are they stupid? Hindi ba nila ako nararamdaman?
"Ano? Sasabihin mo ba? O, papaputukin ko ang utak ng anak mo?" Tinutok nito ang hawak niyang baril kay Zylan.
"H'wag! Nakikiusap ako, 'wag ang anak ko. Ibibigay ko ang pera pero 'wag niyo siyang gagalawin." pagmamakaawa ng asawa ni Mayor.
Wala akong dalang dagger or gun or something.
![](https://img.wattpad.com/cover/263375682-288-k488115.jpg)
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
БоевикRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...