Rhexyl's P.O.V
Hininto ko ang kotse sa tapat ng Salvez mansion. Mom and dad celebrating their wedding anniversary. I'm not invited pero gusto ko sumilip. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. Checking my make-ups and fake hair.
Yes, I'm wearing my disguise tonight. Ito ang huling beses na na susuotin ko ito muli. After my mission, I won't use this again.
When everything is okay, binuksan ko ang pinto ng kotse saka lumabas. Pasimple akong tumingin sa paligid. Maraming mga naka-park na mga kotse.
Marami rin ang pumapasok sa loob.
Wala pa ring pinagbago ang mansion, mukha pa ring haunted house. Nawalan ito ng kulay at sigla ng mawala si Grandma.
Lumakad ako ng diretso lang, sa back door na lang ako dadaan para hindi ako mapansin. Nakakahiya naman kasi sa suot nilang magaganda. Samantalang ang suot ko parang suot ng mga baliw sa kanto.
"Hey! Stop! Who are you? Your not one of here." Nahinto ako sa paglalakad at humarap sa nagpahinto sa'kin.
"Magnanakaw ka, noh?" tanong ni kuyang guard.
Nagbigay galang ako sa kanya at pekeng kumamot sa ulo.
"Kuya naman, e. Nakalimutan ni'yo na po ako? Ako po ito, si Rhexyl po. Pinapunta po ako rito para tumulong sa pagluluto at pag-serve sa mga bisita." magalang kong pagsisinungaling.
Napa-isip siya sa sinabi ko. Hindi ko siya kilala. Maybe, I new goons or what.
"Wala akong kilalang Rhexyl. At sa itsura mong 'yan! Mukha kang hindi mapagkakatiwalaan. H'wag ka ng mang-modus dito. Sa iba ka na lang mang-modus." ani ni kuya.
Modus?
Napalingon ako sa bagong dating na goon.
"Anong nangyayari dito? Bakit parang mayroon ka r'yang kaaway?" tanong ni kuyang bagong dating.
Tumingin ang kausap ko sa kanya.
"Ito kasi, e. Balak pang-pumuslit sa loob. Mangmomodus o magnanakaw 'ata." sumbong ni kuya.
Nakangiti ako sa kanyang humarap.
"Hi, kuya Kevin. Long time no see." magiliw kong ani kay Kuya Kevin.
Kumunot ang noo ni kuya Kevin. Maya lang ay binatukan nito si kuyang katabi niya.
"Ouch! Bakit ba? Masakit 'yun, ah!" reklamo ni kuya.
"Hangal! Si Rhexyl 'yan. Matagal na siya rito. Mula pagkabata pa lang ay nandito na siya nagtratrabaho. Nawala lang siya dahil nag-aaral siya." Kuya Kevin said.
'kay gandang palusot naman.
Tumingin sa'kin si Kuya Kevin.
"Ikaw siguro ang tinutukoy ni madam na darating na bagong kasambahay. Kulang na kulang kasi ngayon lalo na sa kusina. Kunti lamang ang katulong ni Manang Bellen, busy kasi ngayon." magiliw na paliwanag niya.
"Opo, ako nga po." pagsang-ayon ko.
Hindi nila ako mapapansin.
"Dito ka muna, ihahatid ko lang itong si Rhexyl kay manang Bellen." paalam nito kay kuyang isa.
Tumango lang si Kuya.
"Halika na, sumunod ka sa'kin." Pag-aya ni kuya Kevin sa'kin.
Tumango ako sa kanya at sumunod.
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
ActionRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...
