Rhexyl P.O.V
Bigla akong nagising sa malakas na tunog ng alarm clock. Tinakpan ko ng unan ang tainga saka nagpatuloy sa pagtulog.
Nang hindi ko na makayanan ang sobrang ingay. Hinablot ko ang alarm clock saka ibinato kung saan. Muli akong humiga habang nakatakip pa rin ang unan sa tainga ko.
"Argh!" I hissed.
Inis akong bumangon.
"Alright! Will you stop? it's annoying!" inis kong sabi.
Pagkasabi ko ay agad na tumigil ang alarm clock. Tumayo na ako sa higaan. Pinulot ko ang alarm clock saka ibinalik sa dating kinalalagyan nito.
Ginawa ko muna ang madalas kong gawin. Ang mag-excercise and do a yoga. Pagkatapos ko, napadako ang tingin ko sa katapat kong room.
Umalis yata siya.
Inalis ko ang tingin ko sa dorm building nila. Lumabas ako ng k'warto. Nagtaka ako ng makita kong mayr'ong pagkain sa mesa.
May nakita pa akong sulat sa tabi. Kinuha ko ito at napangiti na lang. Muli akong napadako sa pagkain, biglang kumalam ang t'yan ko. Why not eat it.
Pagsubo ko, napapikit ako sa sarap. Agad kong nilantakan ang pagkain. Now I know kung bakit hindi nauubusan ng laman ang refrigerator ko.
Hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos kong kumain. Kinuha ko ang bag ko saka lumabas ng dorm. I still wore my disguised. Ang nagbago lang ay ang kulay ng uniform ko. Pareho na siya sa mga regular students ng Der Mord.
Tahimik kong tinahak ang 15th floor hanggang sa classroom ko. Pagbukas ng pinto, napatingin ako sa hawak kong knife na nakasalapit sa aking daliri.
Pag-angat ko ng ulo, lahat sila nakatingin sa akin.
"Now, with whom would you like to fight?" tanong ni Professor Veronica kay Zandra na nakatayo.
Lumakad na ako papasok. Pumunta ako ng upuan ko.
"I pick Rhexyl." Nahinto ako sa pag-upo ko.
Dumako ang tingin ko kay Zandra, then kay Professor Veronica.
"Would you like to have a one-on-one battle with me?" tanong ni Zandra sa akin.
Marahan kong inilapag ang bag ko sa upuan.
"One-on-one battle is our activity for today." Professor Veronica explained.
One-on-one battle?
Sounds fun, ha.
Humarap ako kay Zandra.
"My pleasure," tugon ko sa tanong niya kanina.
Narinig ko ang pagsipol ni Acer.
"If everybody has completed choosing an opponent. Grab your weapon, so we can start." Professor Veronica said.
Lumabas na siya maging ang ibang studyante.
"I can't wait to see who will be the winner between you and Zandra." ani ni Phixier.
"Tsk!" I hissed.
Sabay sabay-sabay kaming lumabas. Buong section namin ay nasa field. Bukas lahat ng holographic screen. I think ganito sila magbigay ng activity. A deadly activity.
"Killing your opponent will result in a perfect score." sambit ni Prof.
I look at everyone of them. This is the highest section sa lahat. Lahat sila ay malalakas at magagaling. Lahat ng nangunguna sa ranking ay narito sa section na ito.
BINABASA MO ANG
Touch and Die (COMPLETED)
AkčníRhexyl is a college student whom you wouldn't want to know. She is a nerd and likes wearing boyish clothes. She might just be an ordinary girl, but with a very cunning attitude and a certified rule-breaker. She was always oblivious to her surroundin...
