Kabanata 31
Received
"Alam ko na 'yan... umamin ka na no'n, 'di ba? Sa prom?" Pagbabasa niya sa aking sulat. "Oo nga. Gusto ko lang umamin ulit. Masama ba? Kailangan ba isang beses lang umamin?" Sagot niya sa akin habang nakanguso.
Umiling ako.
"Oh... baka... wala pa rin?" Mabagal niyang tanong. "Siya pa rin ba?"
Natigilan ako sa kan'yang tanong.
Ni hindi ko na nga maalala ang itsura niya, ang kan'yang boses, ang kan'yang ngiti, ang kan'yang katawan, ang kan'yang tindig. Hindi na malinaw pa sa aking memorya. Naalala ko pa ang aming pinagsamahan... gustuhin ko mang alalahanin ang kung ano'ng meron sa kan'ya... mukhang malabo na. Hindi ko na magawa pa. Parang ayaw na rin ng utak at puso ko alalahanin pa.
There is no someone. I am not just ready to open my heart again. I've been through a lot. I am literally the definition of damage. I don't want to be a burden for someone, I couldn't even help myself in this kind of situation, ipapasa ko pa ba ang paghihirap ko sa iba? In this kind of situation... there is no room for love. I appreciate him, a lot. I just don't think that I am ready. I'll never be ready.
"Hindi mo naman kailangan sagutin 'yung tanong na 'yon. Kahit naman hindi mo ako gusto, wala naman magbabago sa nararamdaman ko. Ikaw pa rin naman ang gusto ko," isang sinserong ngiti ang ipinakita niya sa akin.
I smiled at him wearily.
"Oo nga pala! May regalo pala ako sa'yo!" Masayang ani Frence habang may kinukuha sa aming bag. "Ito! Bumili ako ng hikaw sa naraanan ko!"
He handed me the earings. I glanced at him. I saw him smiling reaching his eyes. I smirked and placed the earings on our bag again. He frowned, I touched my hearing aid that made him sigh in relief.
"Ah! Akala ko ayaw mo, e!" Nataatawang saad niya. "Oh sige, kapag tapos ng opera mo ako ang maglalagay niyan, ha?"
Tumawa na lang ako habang tumatango. Mas excited pa siya kaysa sa akin magpa-opera. Kumuha na ako ng aking mga pagkain at pinanonood niya lang ako. Ako ang nag-ayos ng sandwich, mas inuna ko siyang bigyan kaya mas lalong lumapad ang kan'yang ngiti.
"Salamat!" He thanked me with his jolly voice. "Nakita mo ba yung habilin ni Kuya Wancho sa white board? Hindi raw siya makakauwi ulit, kaya nag-iwan siya ng pera kanina. Grocery daw tayo."
Napatigil ako sa pagkain. Nagtaas ako ng tingin sa kan'ya.
May habilin ba si Kuya Wancho? Parang hindi ko naman nabasa? 'Tsaka nitong mga nakaraang linggo ay madalang siyang umuwi. Ang sabi niya trabaho. Hindi ba siya napapagod? Hindi naman na kami masyadong naghihirap pero... bakit parang may tinatago siya?
"Hindi mo pa nakikita, 'no?" Tanong niya at tumango ako. "Sige. Ako na lang ang mamimili mamaya at magpahinga ka na lang."
We started eating. He helped me with it. Ilang beses niya rin itinutok ang kan'yang kutsara sa akin na agad ko namang tinanggap gamit ang aking bunganga. He teased me many times, saying that I am a baby. We kept on making fun with each other, we baked a cake for this moment. He wiped the icing on my face that made me glare at him. He just laughed and took a picture of me.
"Ang cute mo d'yan, Martiza! Mukha kang butete!" Natatawang asar niya.
Sinimangutan ko lang siya. Naglagay ako ng isang hiwa ng cake sa paper plate, nakangiti lang siya sa akin, hindi inaasahang may balak akong masama. Walang alinlangan kong inihampas sa kan'ya ang paper plate kaya buong hiwa ng cake ang tumama sa mukha niya.
"Hoy! Grabeng ganti naman 'yon! May hinanakit ka ba sa akin? Sabihin mo na! Suntukan tayo!" Patuloy niya sa paghahamon habang pinupunasan ang kan'yang mukha.
YOU ARE READING
Peace of the Heart (Cacher Series #1)
Romantik(Cacher Series #1) Martiza Arrana Unating has a soft and prim figure. Her mother has a control over her kaya naman ang mga bagay na ginagawa ng isang dalagita ay hindi niya magawa. She's always studying hard para lang matuwa ang kan'yang magulang sa...